Simula May 19, ang araw ng simula ng pagpapatupad ng bagong dekreto, ang decreto riaperture bis, ay nagtatapos ang bisa ng huling DPCM ukol sa pagsasara ng mga centri commerciali or malls at mga outlets tuwing weekend at preholidays at holidays sa mga rehiyon sa ilalim ng zona gialla.
May 22 at 23, simula ng pagbubukas ng mga centri commerciali at outlet sa zona gialla
Sa katunayan, simula May 22 at May 23, ang mga malalaking commercial structures tulad ng outlet at mga malls ay mananatili nang bukas, partikular sa mga rehiyon sa ilalim ng zona gialla at zona bianca, nang walang restriksyon, kundi ang pagsunod sa oras ng curfew at pagsunod sa mga health protocols tulad ng social distancing, pagsusuot ng mask at limitasyon sa bilang ng mga taong papasok sa mga shops.
Zona arancione, mananatili ang bisa ng huling DPCM
Sa mga rehiyon sa zona arancione, na tanging ang rehiyon ng Valle d’Aosta sa kasalukuyan, ay nananatiling may bisa ang huling DPCM o ang pagsasara tuwing Sabado at Linggo at tuwing preholidays at holidays ng mga malls sa publiko at mananatiling bukas lamang ang mga shops ng primary needs tulad ng Supermarkets, pharmacies, book stores, newspaper stands at iba pa. (PGA)