Tulad ng unang inanunsyo, matapos ang heat wave ay bahagyang hihinto ang matinding init at makakaranas naman ng maltempo o masamang panahon.
Sa katunayan ay itinaas sa 7 rehiyon sa yellow allert kahapon kung saan nagkaroon ng matinding pag-ulan, malakas na hangin, thunderstorms, at hailstorms hanggang ngayong araw.
Ang maltempo ay naranasan sa Piemeonte, Lombardia, Trento, Veneto, lalong higit sa Emilia Romagna, Toscana at Marche.
Partikular ang hailstorm sa Pescara na kasing-laki ng prutas na orange. Naiulat ang 18 katao ang nasugatan at nasaktan at sumugod sa ospital. Sa Sentro ay naitala din ang danyos sa mga bubong ng tahanan at windshield ng mga sasakyan. Samantala sa Milano Marittima, Ravenna ay 200 mga puno naman hinagip ng matinding hangin o tromba d’aria.