in

Maltempo, patuloy. Narito ang mga Rehiyong magsasara ang mga paaralan bukas, Oct 30

Patuloy ang masamang panahon sa bansa. Mula North hanggang South ay nananatiling red alert ang kundisyon ng panahon dahil sa malakas na ulan at hangin na naging sanhi ng pagbagsak ng maraming mga puno,  problema sa trapiko, pagbaha at pagtaas ng mga ilog.

Dahil dito, ang ilang rehiyon ay nagpasyang panatilihing sarado ang mga paaralan at walang pasok sa lahat ng antas kahit bukas Martes, October 30, 2018, tulad ng Roma, Genova at malaking bahagi ng Tuscany.

Ang Veneto region ang unang nag-anunsyo ng muling pagsasara sa mga paaralan para sa mga lungsod ng Venice, Verona, Rovigo, Treviso, Belluno, Padova, kung saan sarado din ang University, Vicenza at ang mga probinsya. Pareho ang sitwasyon sa Friuli Venezia Giulia, na nananatiling red alert dahil sa masamang panahon. Sarado ang mga paaralan sa Pordenone bukas, Martes, Oktubre 30, mula kindergarten hanggang high school. Maraming paaralan din ang magsasara sa Udine. Sa Trentino Alto Adige ay wala ring pasok maliban ang mga unibersidad. Red alert din sa Liguria. Ang mga paaralan ay mananatiling sarado din sa La Spezia, habang sa Genova, ang alkalde Bucci ay naghayag na magdedesisyon ngayong gabi. Gayunpaman, sa provincia di Genova ay nagpasya ng isara ang mga paaralan sa mga munisipyo ng Santa Margherita, Rapallo, Chiavari, Portofino at Sestri Levante. Sa Tuscany, ang mga comune ng Grosseto, Follonica, Castiglione della Pescaia at Capalbio ay nagpasya na ring isinara ang mga paaralan. Parehong desisyon din sa Pozzuoli, Capri, Castellammare at Gragnano sa provincia ng Naples. Mananatili rin sa bahay ang mga mag-aaral sa Brescia, ilang comune ng Abruzzesi tulad ng Marsica at Alto Sangro.

Sa paglala sa kondisyon ng panahong inaasahan sa susunod na mga oras, ang lahat ng mga mamamayan sa mga apektadong lugar ay pinapaalalahanang iwasan ang lumabas ng bahay. Manatiling nakatutok sa bawat anunsyo at babala ng awtoridad.

 

PGA

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Operation Silent 2018, sinimulan ng Inps

Ang Influenza at ang mga sintomas nito