in

Mandatory Green pass sa work place, ang bagong dekreto

Mandatory ang Green pass sa pagpasok sa lahat ng work place. Ito ang naging desisyon ng gobyerno ni Draghi upang patuloy na labanan ang Covid19 at ang mga variants nito. Bukod pa sa pagdo-double time upang maabot ang target na 80% ng populasyon na mabakunahan kontra Covid19 hanggang sa katapusan ng buwan.

Isang bagong dekreto ang magpapalawig pa sa Green pass sa Italya bilang unang bansa sa Europa kung saan magiging mandatory ang Green pass sa lahat ng mga empleyado sa lahat ng work place, publiko at pribado, simula sa kalahatian ng Oktubre. Inilahad ito kahapon ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro Mario Draghi sa mga Labor unions. Ngayong hapon ito ay tatalakayin sa Konseho ng mga Ministro at pagkatapos ay magpupulong kasaman ang cabina di regia, at susundan ito ng pagpupulong kasama ang mga Rehiyon. Ang nasabing decreto ay inaprubahan sa Senado kahapon.

Epektibo, nasusubaybayan, at ito ay ang solusyong tanggap ng nakakarami “, paliwanag ni Draghi sa mga Labor unions kung bakit sa ngayon ay mas pinili ang Green pass kaysa sa gawing mandatory ang bakuna kontra Covid19.  

Simula sa kalahatian ng buwan ng Oktubre ay inaasahang kakailanganin muna ang mabakunahan o mayroong negative Covidtest o gumaling sa Covid (samakatwid, ang pagkakaroon ng Green pass) upang makapasok sa mga tanggapang publiko at pribado. Inaasahang palalawagin ito sa mga vocational students (professionali), sa mga nagta-trabaho sa shops at mga restaurants. Ang sinumang papasok sa trabaho nang walang Green pass ay papatawan ng parusa bukod pa sa multa mula €400 hanggang € 1000. Sa kabila nito, nananatili ang pagbabawal magtanggal sa trabaho.

Gayunpaman, hiling ng mga labor unions tulad ng CGIL, CISL at UIL at ilang ministro na gawing libre ang swab test para sa lahat ngunit hindi sang-ayon ang gobyerno dahil ito umano ay magpapahina sa vaccination campaign.

Ayon sa datos ng gobyerno, tinatayang aabot sa humigit kumulang na 18milyong mga manggagawa ang maaapektuhan ng pagiging mandatory ng Green pass. Sa kasalukuyan,  13.9 milyong mga manggagawa na ang mayroong Green pass at 4.1 milyon pa ang nananatiling wala nito. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Lunch break sa domestic job, para din sa mga colf na hindi ‘conviventi’

preventive-measures-anti-covid

Covid19 sa huling 7 araw sa Italya, nagtala ng pagbaba sa lahat ng datos