Pinirmahan ni italian health minister Roberto Speranza ngayong araw ang isang bagong ordinansa na nag-oobliga sa lahat ng papasok sa Italya na nagmula sa Paris o ibang lugar ng France ang sumailalim sa swab test o tampone.
“Mandatory ang swab test sa sinumang manggagaling ng Paris o mula sa anumang lugar ng France”. Ito ng inanunsyo ni minister Speranza sa patuloy na paglala ng sitwasyon sa nabanggit na bansa kung saan kalahati ng mga dipartimento (50) ay idineklarang ‘zone rosse’ at nasa ilalim ng restriksyon matapos umabot sa higit sa 13,000 ang bilang ng mga bagong positibo sa huling dalawang magkasunod na araw.
Samantala, upang maiwasan ang panibagong lockdown sa UK, 15 milyong katao sa kasalukuyan ang nasa ilalim rin ng restriksyon matapos tumaas sa 4,368 ang mga bagong kaso ng coronavirus sa huling 24 oras. Sa Madrid, ang sitwasyon ay hindi nalalayo at kasalukuyang nagpapatupad din ng mga paghihigpit ang gobyerno upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng covid19.
“Kritikal ang mga datos ng covdi19 sa Europa. Nasa maayos na sitwasyon ang Italya kumpara sa ibang bansa ngunit kailangang panatilihin ang pag-iingat upang hindi masayang ang naging sakripisyo hanggang sa kasalukuyan”, aniya.
Samantala, narito ang datos ng Covid19 ngayong araw, Sept. 21 sa Italya:
- Confirmed Cases – 299,506 – (+1,350)
- Active Cases – 45,079 – (+981)
- Recovered – 218,703 – (+ 352)
- Deaths – 35,724 – (+17)
- Fiduciary Isolation – 28,371 – (+1,081)
- ICU – 232 (+10)
- With symptoms – 2,475 – (+110)
- Tamponi – 55,862 – (- 20,295)