Pinaghahandaan ng Milan ang mga new arrivals at ginawang temporary shelter for refugees ang mga gusaling tinuluyan ng mga manggagawa at guards. Centre-right: “Sa ganitong paraan, made-degrade ang lugar”
Milan, Marso 23, 2016 – Sa base camp ng Expo 2015, na noong may universal exhibit sa Milan ay naging tahanan ng mga kahanga-hangang obra pati na rin ng mga awtoridad, ay dumating ang halos 100 refugess. Ito ay isang desisyon ni prefect Alessandro Marangoni na naging simula ng mainit na isyu.
Ang base camp ay kayang tumanggap ng hanggang sa 500 katao sa tatlong floors na prefabricated o readymade apartment block. Mayroong mga single room, canteen, clinic at common space. Matapos ang Expo ay nananatiling walang gamit, walang nakatira at ngayon ay naging temporary shelter for refugees na ipinagkatiwala sa Red Cross.
Ang ibang refugees ay dadating sa mga susunod na araw, ang camp ay maaaring maging isang uri ng hub kung saan manggagaling ang mga ipapadala sa ibang Rehiyon. Isang sagot din sa mga tatawid sa Sicily channel, sa identification sa pagsapit ng Spring at sa closing ng Balcan route.
Nilinaw ni Marangoni na “ang Lombardy ay itinuturing tulad ng ibang Italian Region batay sa parameters na itinalaga sa State-Regions Conference. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng isang marangal na reception sa mga refugees. Ito ay isang desisyon ng prefect at tinatanggap nito ang lahat ng responsabilidad”.
Samantala nagsalita si Lombardy Governor Roberto Maroni ng isang “pagkakamali”, “hindi matatanggap na desisyon”. “Kami ay nagsusumikap para sa Expo – bago dumating ang mga refugees upang maiwasan ang degradation, ang irregular settlement at ang posibleng mangyari sa pagpapa- alis sa mga imigrante pagkatapos.
Kahit ang kandidato sa pagka-alkalde ng centre-right na si Stefano Parisi ay sinabing “isang maling solusyon para sa Milan” at sinabi ring “may pagdududa sa naging pagpili ng lugar. Isang refugee shelter na hindi alam kung hanggang kailan – paliwanag pa nito – at ma-aapektuhan ang lahat ng post Expo projects”.
“Tigilan na ng ‘kanan’ ang pagtutol sa anumang solusyon, kahit na para sa humanitarian needs, para sa kanila, ay isang pagkakamali” sagot naman ng kandidato bilang alkalde ng centre-left na si Beppe Sala, ang ex-commissioner ng Expo. Itinanggi rin ni Sala ang pagiging utak ng inisyatibang ito: “black propaganda”.