in

Marca da bollo – mula 14.62 sa 16 euros

Ang pagtaas ay sinimulan ilang araw na ang nakakalipas. Ito ay gagamitin upang tustusan ang reconstruction ng Abruzzo. Mas higit na bayarin para sa mga ‘request’ ng mga imigrante sa PA.

Rome-Hulyo 3, 2013–Mas mataas na bayarin para sa mga dayuhan sa Italya o higit ng 1.38 euros.

Ito ay dahil sa pagiging batas ng decreto 43/2013 na initlathala sa Official Gazzete noong nakaraang Miyerkules. Dito, ay nasaad din ang pagtaas ng halaga ng ‘marca da bollo’ mula 14,62 sa 16 euros. Ang halagang makukuha sa pagtaas na ito ay gagamitin upang matustusan ang reconstruction expensese sa Abruzzo, na nasalanta ng lindol noong nakaraang 2009.

Ang‘marca da bollo’ ay higit na kilala ng mga imigrante dahil ito ay kinakailangan sa napakamaraming dokumentasyong kinakailangan mula sa Public Administration. Dahilan ng madaliang paglabas ng isang Circular mula Ministry of Interior kung saan nasasaad na dapat iparating ang pagtaas sa mga imigrante, patronati at mga asosasyon.

Ang ‘marca da bollo’ o stamp ng € 16, ay mahalaga una sa lahat, sa sinumang nag-request ng first issuance o renewal ng permit to stay o kahit ang simpleng pag-a-update ng nasabing dokumento. Kailangan din ito ng sinumang nagpapa-proseso ng family reunification o ricongiungimento familiare.

Maging ang mga employer ay apektado rin ng pagtaas na ito; sa mga may kinikuhang worker mula Pilipinas o mula Italya. Samantala, ang mga nag-aplay sa huling Regularization ay nakaligtas sa pagtaas na ito dahil ang ‘marca da bollo’ ay kanilang binayaran sa dating presyo nito.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy Summer Sportsfest ng PDBA sa Palermo Idinaos

Balik “Filipinas” mula “Pilipinas”