Pinanghahandaan at pangungunahan ng mga New Italians ang muling pakikipaglaban para sa kanilang karapatan, Citizenship!
Tinatayang aabot sa isang milyon ang mga ‘New Italians’. Sila ay ang mga ipinanganak at lumaki sa Italya na pinagkakaitan ng karapatan dahil sa mga umiiral na batas sa ‘citizenship’ sa bansa. Sila ang mga Kinabukasan ng bansang nilakihan ngunit pinagdadamutan ng endidad ng bansang kanilang kinilalang sariling bansa.
At sa pagkakataong ito, sila mismo ang tatayo at sisigaw upang ipaglaban ang minsan ng inaprubahan ngunit pinabayaang ‘Ius Soli Temperato’ noong 2017.
Ang Marcia per i Diritti, gaganapin sa May 9 sa Montecitorio Roma, alas 4 ng hapon, ay inorganisa mismo ng mga New Italians, salamat sa social media.
Inaasahang magmumula pa sa iba’t ibang bahagi ng Italya ang mga Second Generation na makikiisa at makikipaglaban para kanilang mga karapatan.