in

Mario Monti magbibitiw, matapos aprubahan ang budget bill

Nagbibitiw bilang Prime Minister ng bansa si Mario Monti. Ito ay kanyang inihayag noong Biyernes ng gabi.

Roma, Dec 10, 2012 – Inihayag ng acting Prime Minister kay Giorgio Napolitano na iiwanan nito ang posisyong ipinagkatiwala sa kanya matapos aprubahan sa Parliyamento ang budget bill, maaaring sa loob ng dalawang linggo. Ito naman ang magbibigay daan upang mapaaga ang National election. Ayon sa mga report, ay tila Feb 24, 2013 ang nabanggit na petsa na maaaring mapalitan sa mga susunod na araw.

Ang desisyon ni Monti ay matapos hindi ibigay ng Pdl ang kanilang vote of confidence sa kasalukuyan gobyerno. Para kay Angelino Alfano, ng Popolo della Libertà, mataposdiumano ang 13 buwang panunungkulan ni Monti, ang ekonomiya ng bansa ay naging mas malala kumpara sa kundisyong iniwan ni Berlusconi na naging daan sa panunungkulan nito.

Sa ngayon ay kailangang hintayin ang magiging reaksyon ng merkado. Matapos lumabas ang balitang vote of mistrust kay Monti, ay mabilis na bumagsak ang Piazza Affari ng 0,86%.

Ngayongumaga ay inaasahan ang pagpunta ni Monti sa Oslo para sa Nobel Prize Awarding Ceremonies ngunit iniisip ng marami na ang tunay na intensiyon ay upang  subukang tanggalin ang mga pangamba sa mga leaders ng EU. Para sa Pangulo ng Eurogroup Schulz ay nasa panganib ang Italya at ang buong Europa.

——-

Piazza Affari or  Milan Stock Exchange, the most important one in Italy, goes back to 1808, and is today housed in thePalazzo della Borsa(built between 1928 and 1931), in Piazza degli Affari in the centre of the city. The media use the termPiazza Affarito mean the Milan Stock Exchange.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Lettera a Babbo Natale da un albanese d’Italia

647 huling ulat ng bilang ng mga namatay dahil sa bagyong Pablo