“Ang kasunduan sa Libia ay maayos na naisasagawa”
Palermo – August 16, 2010 – “Ang pagdagsa ng mga clandestine mula ika-1 ng Agosto 2009 hanggang ika-31 ng Hulyo sa taong ito ay bumaba ng 88%, may 29 na libo sa panahon ng Agosto 2008 hanggang Hulyo 2009, ang dayuhang dumating illegaly hanggang Hulyo 2010 ay may bilang na 3,499”.
Ito ang sinabi ni Minister of Interior Roberto Maroni, matapos ang pagpupulong ng Committee for National Security sa Palermo.
Sa Lampedusa, dagdag pa ng ministro, ang pagdagsa ay “nabawasan”. Ang kasunduan sa Libia – diin pa ni Maroni, – maayos na naisasakatuparan at intensyong palawigin ang kasunduang ito kahit sa ibang Bansa tulad ng Turchia at Greece.
Sa umpisa ng 2010 – pagtatapos pa ni Maroni – napauwi sa kanilang sariling bansa ang 9 na libong illegal na dayuhan.