Ang hukuman ng Milan ay magpapasya ukol sa higit na bayarin ng mga dayuhan ng dalawang mga insurance company. Ayon kay Avv. Guariso (Asgi): “Ang distinctions sa nasyonalidad ay ipinagbabawal ng batas. Kung ipinanganak na banyaga at naging Italyano paglipas ng panahon, magiging mas mahusay bang magmaneho?”
Rome – Babalik sa hukuman ang mas mataas na bayarin ng mga dayuhan sa ilang mga insurance company.
Ilang buwan na ang nakalipas nang ang Genialloyd ay dalhin sa hukuman ng isang Tunisiano matapos matuklasan nito na nagbabayad ng higit na € 170 kaysa sa mga Italians, at nangako naman itong aalisin ang citizenship bilang isa sa mga parameter na ginagamit upang makalkula ang payment. Isang halimbawang hindi sinundan ng Quixa at Zurich, kung kaya’t ang Association of Legal Studies on Immigration at Lawyers not non-profit, sa mga susunod na araw ay magsasagawa ng mga aksyong sibil ng anti-diskriminasyon.
Sa demandang inihain ng mga abugadong sina Alberto Guariso at Livio Neri, ay binanggit ang mga quotations mula sa website ng dalawang kumpanya, pareho ng mga impormasyon at mga kondisyon, maliban sa citizenship. Natuklasan na sa Zurich, ang presyo ay € 465 sa isang Italyano at € 665 kung ang magmamaneho ay isang Albanian. Samantalang ang € 414 ng Quixa sa isang Italyano ay nagiging € 625 kung isang Filipino ang hihingi ng quotation.
Ngunit, ipinapaalala ng Asgi at Apn, ang Artikulo 43 ng batas sa migrasyon na nag-aasal ng deskriminasyon “ang kahit sinong nagbibigay ng mas di-makakabuting kondisyon o tumatangging magbigay ng kalakal o serbisyo sa isang dayuhan dahil lamang sa kanyang katayuan bilang dayuhan”. Ang dalawang asosasyon ay humiling sa hukuman na suriin ang paglabag na ito at obligahin ang mga kompanya na alisin ang mas mataas na pagbabayad, at ibalik na rin sa mga customer na migrante ang salaping kinita sa maling paraan.
Ang naging tugon ng Quixa at Zurich ay naging lamang ng website ng akoaypilipino.eu mga ilang buwan na ang nakalipas.
Ang dalawang kumpanya ay pinanindigan ang kanilang ginagawa ayon diumano sa mga istatistika, na pinag-uugnay ang pagkamamamayan sa “isang uri ng pag-uugali sa pagmamaneho at, samakatuwid, ay isang uri ng panganib.” “Ito ay hindi diskriminasyon, – pinaliwanag nila – suportado ito ng Ania, (National Association of Insurance Companies), na nagsasabing ang parameter ng nasyonalidad ay katulad ng lahat ng ibang dahilan upang maging isang panganib.”
Ang mga paliwanag na ito, ayon Guariso sa isang panayam ng Stranieriinitalia.it, ay hindi magtatagal. “Ang pagkakaiba batay sa nasyonalidad ay hayagang ipinagbabawal ng batas, at hindi nito inaalintana ang anumang uri ng dahilan. Ang mga kumpanya ay maaaring mag-alok ng iba’t-ibang mga rates para sa mga driver na mataba o mapayat – pagpapatawa pa ng abogado – ngunit hindi nila maaaring tingnan ang isang custode kung ito ay Italian o dayuhan.”
Hindi na isina-alang-alang na ang pcitizenship ay hindi isang kwalidad na “natural” ng mga driver, ngunit maaaring magbago sa paglipas ng panahon. “Kung ako ay ipinanganak na Filipino at pagkatapos ay maging Italyano, ang pagbabago bang ito ay magkakaroon ng epekto sa aking pagmamaneho?” tanong ni Guariso. Siyempre hindi. Ngunit ang pinakamahalagang sagot , gayunpaman, ay ang ibibigay ng mga hukom.