in

Mas maraming regular na imigrante upang matugunan ang pagbibigay ng pensyon sa bansa

Boeri: “Ang pagkaunti ng mga imigrante ay isang problema para sa pensyon”. Salvini: “Hindi babaguhin ang Fornero law!”

Nangangailangan ng higit ng mga imigrante upang makapagbigay ng pensyon, nanganganib na mahinto ang sistema. Ito ang sinabi ni Tito Boeri, ang presidente ng Inps sa kanyang pagsasalita sa Festival del lavoro sa Milan kamakailan. Ipinaliwanag ni Boeri na isang malubhang problema sa sistema ng pensyon ng bansa ang pagbagsak ng migrasyon.

Mas maraming regular na imigrante – ayon kay Boeri – ito ang magpapahintulot upang magkaroon ng makabuluhang pagpasok ng kontribusyon sa labor market. Habang ang higit na kinatatakutan na pangyayari ay ang pagkakaroon ng hindi sapat na budget para sa pensyon sa hinaharap”, pagpapatuloy pa nito.

Ito ay dahil sa mabilis na pagbagsak sa daloy ng migrasyon. Ang pagbagsak na ito – ayon pa dito – ay nagsimula na at ang daloy ay hindi na sapat upang matugunan ang pagbaba ng populasyon ng mga Italians”.

Sa madaling salita, ayon sa presidente ng INPS kung ang demographic projections “sa loob ng ilang taon ay higit na mababawasan ang regular na mga imigrante o ito ay mawawala ng tuluyan ay tila mawawala ang isang lungsod ng populasyon at ito ay magiging isang malubhang problema sa pension system na kakayanin ang umangkop sa mahabang average life ngunit hindi kung mababawasan ang mga magbabayad ng kontribusyon”.

Samakatwid, para kay Boeri, nais man o hindi, ang imigrasyon ay isang solusyon upang mapatakbo ang matinding demographic transition. Kung ang mga Italians ay magsisimula na magkaroon ng mga anak, bagay na inaasahan ng lahat, ay papalampasin muna ang 20 taon upang ang mga ito ay makapagbayad ng kontribusyon, rayon pa dito.

Isa umanong kalokohan ayon sa bise presidente ng Senado, Roberto Calderoli. Pati na rin ang vice premier at minister of Interior Matteo Salvini na inatake si Boeri sa social media sa kanyang naging deklarasyon. “Boeri, isang kalokohan na ang pagbagsak ng daloy ng imigrasyon ay bagay na nakakabahala dahil ang mga imigrante ang nagbabayad ng pension ng mga Italians. Hindi babaguhin ang Fornero law!”, giit pa nito.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

55-anyos na Pilipina, patay habang tumatawid sa pedestrian lane sa Roma

Colf at caregiver na mga Italians, padami ng padami