in

Mas mataas na bilihin, nararamdaman na!

Mula noong Septiyembre 17 ay nadagdagan ng 1% ang VAT (o IVA). Ito ay isa lamang sa mga bagong batas laban sa krisis sa ekonomiya na makaka-apekto ng malaki sa bulsa ng mga naninirahan sa Italya.

altRome – Kotse, gasolina at telebisyon, pati na rin ang alak, sigarilyo at mga laruan, ang singil ng mga parlors, tubero  o maging ng abogado. Kabilang ang mga ito sa mahabang listahan ng mga produkto at pangunahing serbisyo na tataas ang presyo magmula sa Sept 17.

Dahil ito sa huling batas sa badyet, na inaasahang makakatulong upang maisaayos ang takbo ng kaban ng bayan. Mula 20% hanggang 21% ay nadagdagan ang Value Added Tax na ipapataw naman sa mga consumer.

Mahirap matantya sa kasalukuyan ang magiging epekto nitong bagong batas. Ayon sa Association CGIA ng Mestre, ang dagdag na isang porsiyento ay maghahatid  ng € 123 bawat taon sa bawat pamilya, samantala ang consumer group Adusbef at Federconsumatori ay nagsabing higit sa €173 naman kada taon at ayon naman sa supermarket chain COOP ay madagdagan ang gastos ng € 500 bawat pamilya.

Sa ngayon, ganito ang nilalaman ng teorya, ngunit ang epekto nito ay maaring mas malala sa inaasahan. Sa katunayan, maraming mga negosyante ang magbabago ng mga presyo at maaaring ang pagra-round off nito ang maging sanhi ng pagpataw ng mas mataas na presyo sa mga consumer. Sa kabilang banda, mayroong ilang mga naghayag na hindi ipapataw ang pagtaas ng VAT sa mga consumer at pananatilihin ang presyo at pipiliing mas bumaba ang kanilang kita.

Ang mga asosasyon pa rin ng mga negosyante  tulad ng Confcommercio, ang nagbigay ng babala tungkol sa mga posibleng epekto ng bagong buwis. Sa panahon ng kahirapan, kahit na ang bahagyang pagtaas ng mga presyo ay maaaring magpahinto sa ‘pagbili’ na maaaring magpalala ng krisis.

Ang mataas na VAT ay isa lamang sa mga masamang balita para sa mga naninirahan sa Italya. Isa pang pamamaraan na ilulunsad sa unang bahagi ng summer, ang makabuluhang pagbabawas sa susunod na taon, ng iba pang mga benepisyosa buwis na ngayon ay ibinibigay sa mga taxpayers (may mga diskuwento, halimbawa, sa kita ng bawat empleyado, sa unang bahay, sa mga medikal na gastos, sa mga carried na minors o sa renovations ng mga gusali atbp.).

Ang pamahalaan ay pinutol na rin ang pondo sa mga rehiyon at munisipyo, kaya ang mga Presidente ng Rehiyon at mga Munisipyo ay nag protesta bilang pagtutol. Para sa kanila ay malaki ang magiging epekto nito sa mga mamamayang umaasa sa serbisyong publiko tulad ng transportation, nursery at mga basura o magiging mas mahal pa ang magiging bayarin.

Isang sitwasyon na nararanasan na ng mga naninirahan sa Milan, na magmula Sept 1 ay nagtaas ng presyo mula 1 € sa 1.50 € na mararamdaman rin sa Roma sa pagpasok ng susunod na taon.

Narito ang ilan sa mga produkto at serbisyo na kung saan ang buwis ay tumaas sa 21%:
– TV at home entertainment products
– Mga Camera at Camcorders
– Desktop computer, portable, handheld at pad
– Motorhomes, caravans at trailer
– Bangka, engine at kagamitan sa bangka
– Musical Instrument
-toys, mga laruang tradisyunal  at elektroniko
 – gamit sa sports
– Sports at mga parks
– Bathhouse
– Swimming pool, gymnasiums at iba pang mga sports facilities
– school supplies
– Vacation Packages
– Kotse, mopeds at bisikleta
– cars at bikes
– Rent garages at mga car rental
– Tolls at parking metro
– Kagamitang para sa fixed, mobile at fax
– landline phones, mobile at internet connections
– cigarettes
– Damit at tsinelas
– Electric shavers, haircuts
– detergents supplies
– Pabango at Gamit-Pampaganda
– Alahas at relo
– Bagahe at bags at iba pang mga accessories
– Pag-aayos ng buhok
– Legal at accounting
– Muwebles at lighting item
– Linen
– Refrigerators, washing machine, dishwashers, microwave
– Plates, kubyertos at kagamitan sa bahay
– Detergents at paglilinis ng bahay
– Fuels
– Kape
– Softdrinks, fruit juices
– Wines at sparkling wines

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang dapat gawin kung may depekto ang produkto?

18 anyos, sapat na edad upang maging Italyano