Isang ordinansa mula sa Ministry of Health ang nagbabawal ng pagmamasahe sa mga beach. “Hindi naaangkop na lugar, mapanganib na mga cream at hindi sapat ang kalinisan. Nanganganib sa impeksiyon at pinsala sa balat”
Rome – Muling off limits sa mga beach resort ang mga tagapag masahe sa taong ito. Para sa ika-apat na taon, ang tema ng “proteksyon sa kaligtasan ng publiko” ng Ministry of Health ay nagpasyang pagbawalan ang pagmamasahe sa mga beach na karaniwang ginagawa ng mga migrante.
Ang ordinansa ay pinapatupad na at ito ay nagsasaad na “sa tabing dagat, dagat-dagatan at ilog, pati na rin sa kapaligiran nito, ay ipinagbabawal ang pag-aalok ng anumang serbisyo kabilang ang pagmamasahe at iba pang bagay na may kaugnay dito. Ang mga Munisipyo o ang pulisya ng lungsod ang magpapatupad ng pagbabawal”.
Ang teksto ng ordinansa ay ipapakita sa lahat ng mga ASL at lahat ng mga negosyo o libangan na matatagpuan sa seaside resort. Bilang prebensyon ay kasama sa mga gawain ang mga tagapamahala sa tabing-dagat, na kung makikita ang mga nag-aalok ng masahe ay dapat abisuhan ang awtoridad.
Ngunit anu- ano nga ba ang mga panganib sa isang masaheng nagkakahalaga ng 10 euro sa ilalim ng beach umbrella? Ang Ministry of Health ay nagpapahiwatig na ang ganitong uri ng masahe sa isang hidi angkop na lugar na gumagamit ng ointment o skin cream na hindi alam ang pinanggalingan ay maaaring makapinsala sa balat. Kung ang mga kamay ng nagmamasahe ay hindi malinis ay maaaring magdulot sa balat ng impeksyon tulad ng mga warts at dermatophytosis.