in

Masakit sa akin ang hindi naisulong sa Parliyamento ang citizenship – Riccardi

"Sa kabila ng aking pagpupursigi, ang debate sa Parlamento ay hindi naganap. Ngunit may isang paraan upang makamit ang integration"

Roma – 17 Set 2012 –“Malapit ng matapos ang lehislatura at sa kabila ng aking mga pagpupursigi, ay hindi ko naisulong sa Parliyamento ang debate ukol sa batas ng citizenship ng sinumang ipinanganak sa bansang Italya, ng mga anak ng mga imigrante o ng sinumang naka-kumpleto ng isang scholastic cycle dito sa ating bansa. Ito ay isa sa mga masakit sa kaloobang dala ko sa ngayon”.

Ito ang mga sinabi ng Ministro para sa International cooperation at integration, Andrea Riccardi, sa mga mag-aaral ng “Morvillo Falcone” ng Mesagne, ngunit idinagdag “na kung nais nating maabot ang tunay na integration, ay kailangan nating maglakbay patungo sa direksyong ito”.  Isang mag-aaral mula sa Marocco, na nagngangalang Sanae ang nagsimula sa paksa. “Inyong alalahanin na kami ay mga mag-aaral na dayuhan rin. Anong dapat naming gawin matapos ang pag-aaral?, tanong ng mag-aaral.

Ayon kay Riccardi, ang pamahalaang ito, gayunpaman, ay binago ang kaisipan sa mga imigrante: pinag-uusapan na ngayon ang imigrasyon sa ibang paraan. Dapat na tingnan bilang isang proseso ng integration at hindi bilang isang emerhensya at ang paaralan ay isang angkop na lugar para sa integration''.

Ang pagpupulong ay dinaluhan din ng Ministro sa edukasyon Francesco Profumo, at ayon dito “ang paaralan ay dapat lumikha ng citizens of the world”. Isipin na lamang – dagdag pa ng Ministro – ang yamang maaaring ibigay nito sa pag-aaral ng geography, history at relation ng mga bansa sa klase na mayroong 25-30% ng mga mag-aaral na dayuhan”. Kami ay hindi naniniwala sa mga ethnic school, paliwanag ni Riccardi – ngunit sa Italian school na nais ang integration ".

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinay, iniwan ng employer sa kalsada

Mga kumpanya, naghihintay pa rin ng mga paglilinaw