Hiling ng mga matatanda sa Italya na gawing mandatory ang bakuna kontra Covid19 sa mga colf at caregivers. Ito ay lumabas sa survey na isinagawa ng Senior Italia FederAnziani kung saan lumahok ang 464 katao na may edad over 60.
Sa resulta ng ginawang survey kung saan kabilang ang mga over 60s, na sanay sa info campaign ukol sa prevention and health, sa 464 na mga interviewees, 4 lamang ang hindi bakunado at walang intensyon na magpabakuna dahil sa takot sa posibleng side effects nito at hindi sang-ayon sa bakuna. Bukod dito, 54% ng mga interviewees ang nagdeklara na may kilala na isa o higit pa na over 60 na walang balak na magpabakuna. Patunay lamang nang pagtutol sa bakuna ng malaking bahagi ng populasyon ng mga matatanda.
Sa kabila nito, marami pa rin ang natatakot sa Covid. Sa katunayan, 78.9% ng mga interviewees ang nagsabing natatakot dito at nagpahayag ng pangamba ang mga matatanda na mayroong colf at caregivers sa kanilang bahay: 92% ng mga interviewees ang nais na gawing mandatory din ang bakuna sa mga colf at caregivers upang maiwasan ang mahawa sa Covid19.
Sa Italya ay mayroong 2 milyong mga domestic workers kung saan 57.6% ang mga hindi regular: 52% ang mga colf at 48% ang mga caregivers. (PGA)