in

Matteo Renzi, pinakabatang PM ng Italya at Europa

Roma, Pebrero 22, 2014 – Si Matteo Renzi, 39 anyos, ang kilalang aktibong alkalde ng Florence, ay opisyal na pinakabatang Premier sa kasayayan ng Italya at ng buong Europa. Ito ay matapos manumpa kaninang umaga bandang 11:30 ng katapatan sa Konstitusyon ng Italya sa harap ni President Giorgio Napolitano. 
 
Pagkatapos ay nanumpa rin ang 15 na Ministro (si Padoan ay kasalukuyang nasa biyahe mula Sydney). Opisyal ng nasa katungkulan ang mga ito, kahit pa nananatiling sub judice hanggang sa gawin ang vote of confidence sa Parliyamento: sa Lunes, Pebrero 24 sa Senado at marahil sa Martes, Pebrero 25 naman sa Kamara.  
 
Matatandaang matapos ang halos dalawang oras na pakikipag-usap kahapon kay President Napolitano, ay opisyal na nag-desisyon at tinanggap ni Matteo Renzi ang pagbuo sa bagong gobyerno. 
 
Naghirang si Renzi ng 16 na mga Ministro: 8 babae at 8 lalaki, na sa nakaraang pamahalaan ni Enrico Letta ay 21. 
 
Walo ang buhat sa PD (Mogherini, Orlando, Pinotti, Franceschini, Madia, Boschi, Lanzetta, Martina), 3 ang buhat sa Nuovo centrodestra (Alfano, Lorenzin, Lupi), 1 sa Scelta civica (Giannini), 1 sa Udc (Galletti) e 3 tecnici (Padoan, Guidi, Poletti). Deputy Prime Minister naman ang outgoing Minster of Regional Affairs na si Graziano Delrio. 
 
Narito ang 16 na Ministers:

Ministri con portafoglio
Ministero dell'Economia e del Tesoro: Pier Carlo Padoan
Ministero degli Esteri: Federica Mogherini (Pd)
Ministero della Cultura: Dario Franceschini (Pd)
Minis tero dell'Istruzione: Stefania Giannini (Sc)
Ministero delle Politiche Agricole, Alimentari e Forestali: Maurizio Martina (Pd)
Ministero Ambiente: Gianluca Galletti (Udc)
Ministero della Difesa: Roberta Pinotti (Pd)
Ministero della Giustizia: Andrea Orlando (Pd)
Ministero dell'Interno: Angelino Alfano (Ncd)
Ministero Salute: Beatrice Lorenzin (Ncd)
Ministero Lavoro: Giuliano Poletti
Ministero Sviluppo Economico: Federica Guidi
Ministero Infrastrutture: Maurizio Lupi (Ncd)
 
Ministri senza portafoglio
Ministero dei Rapporti con il parlamento:Ministero Riforme: Maria Elena Boschi (Pd)
Ministero della Pubblica Amministrazione: Marianna Madia (Pd)
Ministero Affari Regionali: Maria Carmela Lanzetta (Pd)
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sinagtala Band, sa isang concert for a cause!

Alfano, Poletti at Mogherini sa pulitika ng imigrasyon