497,310 ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na sa kasalukuyan ay sumasailalim sa pagsusulit na Maturità o ang pagsuslit matapos ang limang taon sa Secondary School.
Rome, Hunyo 20, 2012 – Ito ang araw ng takot at tensyon at araw na hindi malilimutan ng lahat ng mga mag-aaral. Isang mahalagang bahagi ng buhay na dapat malampasan ng 497,310 students na sinimulan kaninang umaga, eksaktong alas 8.30 ang unang bahagi ng written Italian test.
Montale, ang kabataan at ang krisis, ang Responsibilidad ng Agham at Teknolohiya, ang Pagpuksa sa mga Hudyo, ito ang ilan sa mga tema ngayong taon ng kasalukuyang Maturità o ang pagsusulit matapos ang limang taon sa Secondary School.
Ito ang unang pagsusulit sa kasaysayan ng bansa gamit sa unang pagkakataon ang internet, na ayon sa Ministro of Education Francesco Profumo ay nagpahintulot makatipid ang bansa ng halos 240,000 euros.
“Ang sistemang ginamit hanggang noong nakaraang taon ay sinimulan taong 1923 ni Ministro Gentile. Ilang buwang preparasyon bago pa man sumapit ang araw ng pagsusulit; preparasyon ng mga tema, paggawa ng mga xerox copies, paglalagay sa mga envelopes at ang paglipat ng mga ito sa carabinieri hanggang umabot sa mga schools. Ang bagong sistema online ay isang mahalagang hakbang sabay ng pagiging moderno ng bansa at nagpahintulot makatipid ng malaking halaga ang bansa”, ayon kay Ministro Profumo.
Bandang 8.25 kaninang umaga, ang Ministro of Education Francesco Profumo, ay ibinigay sa pamamagitan ng TG1 ang protection code para sa mga public school ng electronic file (samantala ang protection code naman ng mga private school ay kanilang hawak na).