Panibagong heat wave sa pagsisimula ng linggo sa Europa at sa Italya. Aabot sa siyam (9) na lungsod sa Italya ang ang nasa maximum heat alert ng Minsitry of Health.
Ang Apocalisse4800, ang tawag African anticyclone na tatama sa Italya ngayong linggo ay magiging mas matindi at magdudulot ng mas maalinsangang init at aakyat higit 40° sa maraming lugar sa bansa.
Ang linggong ito, ayon sa mga eksperto sa panahon, ay inaasahang itatala bilang pinakamainit na linggo ng taong ito. Mataas na temperature ay itatala mula sa Miyerkules, July 20 at ayon pa sa mga eksperto, ito ay magtatagal hanggang sa katapusan ng linggo ng July 23-24 at inaasahang tataas pa hanggang 41 ° C sa mga lungsod tulad ng Milan, Pavia, Bologna, Ferrara, Padua, Florenc at Bologna.
Sa gabi, hanggang 11pm, ang temperatura ng hindi bababa at aabot sa 30 ° C sa maraming lungsod sa North Italy at sa Toscana.
Ang pinakanakababahala ay ang kawalan ng pag-ulan, ayon pa sa mga eksperto. Sa katunayan, walang anumang thunderstorm break hanggang sa katapusan ng buwan. Anila, ang tagtuyot ay isang sitwasyong tunay na nakababahala.
Ngayong araw, Lunes July 18 at bukas, Martes July 19, limang (5) lugar ang nasa maximum heat alert o red alert 3: Bolzano, Brescia, Firenze, Latina at Perugia.
Sa Miyerkules, July 20, siyam (9) na lugar ang maximum heat alert: Bukod sa mga nabanggit ay madadagdag ang Bologna, Genova, Rieti at Roma. Ito ay ayon sa updated heat warning ng Ministry of Health.
Ang red alert o maximum warning na inisyu ng Ministry of Health ay naglalagay sa panganib sa kalusugan ng populasyon at ng mga mahihina, tulad ng matatanda, mga bata at mga maysakit. (PGA)
Basahin din:
- Record-breaking heatwave, magpapatuloy sa Italya at Europa
- Italya, nahaharap sa matinding tagtuyot
- Maximum heat alert sa 19 na lungsod sa Italya