Asosayon at union, sumulat kay Maroni pagkalabas ng isang circular na nagbabawal sa media na pumasok sa Cie. “Ito ay isang limitasyon sa aming tungkuling ipaalam sa mga mamamayan ang malayang paghahayag”
Rome – Mula noong nakaraang Abril, ang mga mamamahayag ay hindi na maaaring pumasok sa mga identification and deportasyon center.Hindi naman dahil malayang nakakapasok noong una dahil ito ay pinahintulutan muna ng prefects, ngunit noong Abril 1, isang circular ng Ministry of Interior Roberto Maroni ay tuluyan ng isinara ang mga pintuan ng Cie. Ito ay naghayag na “sa napakalaking pagdagsa ng mga imigrante mula sa North Africa at upang hindi makaabala sa mga aktibidad para sa kanila”, may pahintulot lamang ang ilang piling mga organisasyon (UNHCR, IOM, Red Cross, Amnesty International, Medici senza Frontiere, Save the children, Caritas) at mga asosasyon na tumutulong sa kaayusan nito.
Matapos ang mga protesta ng mga mamamahayag at mga asosasyon, nakialam na rin ang Journalist asociation at ang National Federation of Italian Press, sa pamamgitan ng isang liham buhat sa dalawang grupo kay Maroni. Humihingi ng isang meeting sa lalong madaling panahon sa ministro:ang Circular ay isang limitasyon sa aming tungkuling ipaalam sa mga mamamayan ang malayang paghahayag, alinsunod sa Artikulo 21 ng Saligang-Batas” na pinoprotektahan ang karapatan sa pagpapahayag at impormasyon, at binibigyang diin na ang paghahayag ay hindi maaaring sumailalim sa awtorisasyon o sensura.
Ngayon, sa isang sulat ng OdG at FNSI ay nasasad: “Ito ay imposible, para sa mga nagpapatupad ng karapatan sa paguulat, ang posibilidad na masuri sa kanilang sariling mga mata at sa kanilang mga instrumento kung ano ang mga tunay na pangyayari sa Cie. Naiintindihan namin ang problemang sanhi ng araw-araw na pamamahala gayun din ang maging abala sa mga materyales sa pagtanggap sa mga ito, ngunit naniniwala kami na ang impormasyon ay hindi tamang isaalang-alang na isang balakid sa kaayusan, at sa katunayan kami ay kumbinsido na ang transparency ay dapat na itinuturing na napakahalaga upang pagtibayin ang paniniwala sa institusyon “.
“Lahat ng alituntunin na nagbibigay ng direktiba ukol sa mga social figure na may pahintulot ay hindi ibinibilang ang mga operator ng impormasyon. Nangyari na – ayon pa rin sa liham – kahit hindi tinutukoy bilang isang bilangguan ang nabanggit na lugar ay samakatuwid napapailalim sa mga limitasyon, ay maaaring humiling upang makapasok dito”.
Ayon sa mga kinatawan ng mga mamamahayag, “ay hindi matatanggap na may mga lugar na hindi maaaring mapasok ng media para sa malayang impormasyon. Ito ay isang tunay na katiwalian sa demokrasya, na hindi maaaring tanggapin – tulad ng hanggang sa kasalukuyang sitwasyon – dahil sa isang pasya ng prefectural authority at dahil na rin sa pagiging guarantors ng mga taga-Parlyamento sa mga mamahayag”.
Kinakailangan ang isang kasunduan upang pangalagaan “ang tungkulin ng impormasyon kahit na sa Cie”. Isang layunin na maaaring makamit na walang babawasin o tatanggalin sa normal na mga pamamaraan upang gampanan at protekta ang mahahalagang karapatan sa privacy ng mga ‘bisita’, ng mga operator ng namamahala, mga pulis na handang mangasiwa at magbantay. “