“Ang Pasko ng Pagkabuhay ay magdulot nawa ng pag-asa sa Gitnang Silangan”
Rome, Abril 8, 2012 – Ang mensahe ng Pasko ng Pagkabuhay mula kay Pope Benedict XVI ng Vatican, sa harap ng higit na daandaang libong Katoliko na nagbuhat pa sa iba’t ibang parte ng mundo, ay isang panawagan sa paghinto ng pagdanak ng dugo sa Syria at maibalik ang kapayapaan sa pagitan ng Israel at Palestine. Ang Papa sa kanyang mensahe – ay binanggit din ang iba pang mga bansa sa mundo kung saan ang digmaan ay patuloy na pumapatay ng mga tao tulad sa Sudan, Mali at Nigeria. Hindi rin nakalimutan ng Papa ang mga Iraqi at hinihiling na patuloy na maging matatag patungo sa landas ng pag-unlad. “Ang pasko ng Pagkabuhay”, ayon sa Papa, ay magdulot nawa ng pag-asa sa Gitnang Silangan, para sa ikabubuti, kapayapaan at paggalang sa lahat ng tao”.
Habang sa St Peter’s Basilica, si Pope Ratzinger ay nanawagan para sa katapusan ng digmaan at katahimikan sa Kaduna – Nigeria. Isang pagsabog ang pumatay sa 20 katao. Ang insidente ay naganap habang naghahanda para sa Easter celebrations sa harap ng isang simbahan sa Sadauna Crescente. Tila dalawa ang naganap na mga pagsabog. Isang Islamist ang nagbantang aatake sa panahon ng Settimana Santa.