in

Merienda during sight-seeing, ipinagbabawal sa Rome

Rome – Maraming turista ang madidismaya sa pagpapatupad ng bagong batas na nagbabawal ng pagme-merienda tulad ng ice cream, paninis o pizza, sa paligid ng mga historic monuments na matatagpuan sa sentro ng siyudad.

Ito ay matapos ipag-utos ng aklalde ng Roma, Gianni Alemanno noong Oktubre 1 at ipatutupad hanggang Dec 31 ang bagong batas na naglalayong “protektahan ang paligid ng historic center”. «Disposizioni urgenti per garantire la tutela delle aree di pregio del centro storico, di particolare pregio storico, artistico, architettonico e culturale comprese nel perimetro della Città Storica di Roma». Ang bagong batas ay nagbabawal ng pagme-merienda sa paligid ng mga monuments at architectural treasures sa Eternal City of Rome.

Ipinapababatid sa mga residente at maging sa mga turista ang pagsunod na naturang batas. Ang sinumang mahuhuling hindi susunod ay maaaring mamultahan mula €25 hanggang €500.

Ang mga monuments na nasasakop ng batas ay ang Colosseum, the Spanish Steps, ang Panthen at ang marble fountains ng Piazza Navona.

Ang batas ay kasalukuyang ipinatutupad din maging sa St. Mark’s square sa Venice, Florence at Bologna. Ang mga turista ay pinagbabawalan ding magpakain sa mga kalapati sa St. Mark’s square sa Venice.

Maging sa ilang bansa ay ipinatutupad din ang mga batas tulad nito, upang proteksiyunan ang mga historical treasures at mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran. Sa Singapore ay ipinatutupad ang Chewing Gum law mula pa noong 1992 upang mapanatili ang kalinisan ng lungsod, partikular ang transportation system dito. Ang batas at nagbabawal ng pagbebenta ng chewing gum sa lungsod.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Airline tickets, tanggap na katibayan ng pananatili sa Italya

London, nais limitahan ang pagpasok ng mga EU nationals