Guardia di Finanza “Halos 2.7 billion euros ginagamit sa money laundering “
Roma, 9 Enero 2011 – Ang mga ahensya ng money transfer ay lumago sa Italya mula sa 687 ng taong 2002 sa 34,000 sa taong 2010.
Ang datos ay ibinigay ng commander in chief ng Guardia di Finanza na si Nino Di Paolo, sa isang audition ng komite ng parlyamentaryo ukol sa counterfeiting.
Mula 2008 hanggang 2010 ang paglago sa bilang ng mga ahensya ng mga money transfer ay humigit pa sa 16,000 units, bilang na higit pa sa bilang ng mga Italian Post Offices (Poste Italiane). Sa taong 2009 ay nakapag-padala ng 5,3 billion euros sa ibang bansa at malaking parte nito ay sa China ipinadala. “Higit sa € 2.7 billion euros – paliwanag ni Di Paolo – ay nagbuhat sa counterfeiting , hindi pagbabayad ng mga buwis, ilegal na imigrasyon na ginagamit sa money laundering.”
Ang sistema, pagbibigay-diin ng heneral na si Di Paolo,”ay nag-gagarantiya rin ng service operation kahit sa mga bansa kung saan walang batas laban sa money laundering o walang regular na banking network.”