in

MGA BAGONG HALAGA NG MATERNITY AT FAMILY ALLOWANCE

Nakalaan sa mga bagong ina at malalaking pamilya. Narito ang requirements at bagong halaga para sa taong 2011

Nagbago na ang halaga ng ‘maternity allowance ‘ at ‘family allowance’. Ang mga ito ay tulong pang-ekonomikal na ipinagkaloob ng iba’t ibang munisipyo para sa mga bagong ina at mga pamilyang  nangangailangan, isang kondisyong sertipikado sa pamamagitan ng economic situation indicator  o Ise na kinakalkula ng libre sa mga public assistance offices .

Ang maternity allowance sa taong 2011 ay 316.25 € bawat buwan para sa limang buwan. Ito ay nakalaan para sa mga bagong ina na hindi maaaring magtrabaho , Italian man o ibang EU nationals. Ang mga dayuhang hindi mula sa mga bansa ng EU ay makakatanggap lamang kung may long term residence permit (carta do soggiorno).

Kinakailangan ang isang ISE na hindi lalampas sa € 32,967.39 para sa pamilya na may tatlong miyembro, tataas din ang halaga sa pagdami ng miyembro ng pamilya. Ang application ay dapat isumite sa mga tanggapan ng munisipyo sa loob ng anim na buwan matapos ang panganganak.

Ang family allowance naman para sa taong ito ay 131.87 € bawat buwan para sa labing tatlong buwan. Ito ay nakalaan para sa mga Italians at iba pang Europeans na may  tatlong menor de edad na anak.

Para sa mga pamilya na may limang miyembro, o may tatlong anak, ang halaga ng Ise ay hindi dapat lalampas ng € 23,736.50. Ang request ay dapat isumite sa munisipyo hanggang
Enero 31 ng sumusunod na taon ng hiniling na allowance.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PAALALA MULA SA PHILIPPINE CONSULATE GENARAL MILAN ITALY

PAGBITAY SA TATLONG PINOY SA CHINA, BUKAS NA!