in

“Mga bagong panuntunan laban sa racist website” – Riccardi

Sa Stormfront mga bagong pang-iinsulto laban sa isang municipal counsilor sa Roma. Ang Ministro ng Integration: "Ang galit ay naghahasik ng karahasan." Cancellieri: "Huwag huminto sa pagbabantay”

Roma – Oktubre 23, 2012 – "Sa ngayon ay walang dudang dapat ipagpatuloy ang batas na aking matagal ng iminungkahi upang labanan ang mga racist website sa ibang bansa at ang kanilang mga regular viewers''. Ganito ang naging komento ng Ministro ng Integrasyon na si Andrea Riccardi at sinabing "ang mga bago at hindi matatanggap na panyuyurak” ang matatagpuan sa Stormfront.org laban sa Assessor ng Culture, youth and equal opportunities ng XI th municipality of Rome na si Carla Di Veroli.

Inatake ng mga racist website si Di Veroli bilang "convinced feminist”, “fanatic homosexualist”  dahil sa “pagtanggap sa mga blacks at anti-facists” at dahil sa kanyang pagtanggi upang ipangalan ang isa sa mga kalsada ng Capital kay Giorgio Almirante, ang historic national leader ng partido Movimento Sociale Italiano. Sa Stormfront ay inalipusta din ang memorya ng kanyang tiyahin na si Settimia Spizzichino, ang tanging babaeng nakaligtas sa pagsalakay sa Roman ghetto noong 1943, at tinawag na “ennesima olomiracolata”.

Si Riccardi, kasama ang Minister of Justice na si Paola Severino, ay patuloy na pinag-aaralan ang mga bagong panuntunan na magpapahintulot upang ‘ipasara’ ang mga website at ang parusahan ang kanilang mga viewers/users. “Tulad ng binigyang diin maging ni Prime Minister Monti sa Synagogue sa Roma noong nakaraang Oct 16 ay kailangang ipahinto sa lalong madaling panahon ang pagtatanim ng galit sa internet, na lumalason sa konsyensya at tulad ng nangyari kamakailan, na nanganganib ng  paghahasik ng malubhang karahasan”.

Sinuportahan din maging ng Interior Minister Annamaria Cancellieri, na kahapon nagpahayag ng solidaridad kay Di Veroli, ang biktima ng mga online abuse. "Mahalaga – ayon pa kay Cancellieri – ang mananatiling nagbabantay at patuloy na labanan ng walang armas ang mga may-akda ng mga karahasan online”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Natanggal sa trabaho – Ano ang dapat gawin at sino ang maaring lapitan

Hindi na magtatanggal ng sapatos sa final checkpoints ang mga pasahero