in

Mga bagong panuntunan sa paggamit ng Monopattino, narito ang maikling gabay

Ano ang age limit at speed limit? Kanino mandatory ang helmet? Kailan dapat isuot ang reflective vest? Narito ang gabay sa bagong panuntunan ng mga monopattino elettrico na nasasaad sa inaprubahang Infrastructure Decree. 

Ang pagsasabatas ng Infrastructure Decree ay naghahatid ng mga bagong alituntunin para sa sinumang gumagamit ng monopattino o electric scooter. Ito ay naglalaman din ng susog ng highway code at mga pagbabago sa ibang sektor na inaprubahan ng Senado. Matapos aprubahan ng Senado ay hihintayin ang pirma ng presidente ng Republika Sergio Mattarella sa teksto. Pagkatapos ay ang paglalathala nito sa Official Gazette at ang ganap na pagpapatupad ng bagong batas. 

Speed limit

Ang bagong alituntunin na nakapaloob sa batas ng Infrastructure ay naglalaman speed limit para sa mga gumagamit ng electric scooter. Ito ay hanggang 20 km/hr (noon ay 25 km/hr) at nagiging 6 km/hr sa mga aree pedonali o walking area. 

Gayunpaman, ang mga monopattino ay maaaring mag-circulate sa mga strade urbane kung saan may speed limit ng hanggang 50 km/hr. May pahintulot din sa mga pinaghalong walking at bicycle area kung saan tulad ng nabanggit ay 6 km/hr ang limitasyon.

Samantala, ipinagbabawal ang mag-circulate sa mga sidewalk, kung saan may pahintulot lamang na itulak ang monopattino.

Hindi na obligado ang pagtabko ng magkakasunod (pila) at maaari na ring tumakbong magkatabi hanggang maximum na 2 monopattini. Ipinagbabawal ang tumakbo ng contromano, maliban sa mga kalsadang may two-way cycle lane.

Age limit

Ang bagong batas ay nagtakda din ng age limit sa paggamit ng monopattino. Ito ay maaaring imaneho mula edad na 14 anyos. Mandatory ang paggamit ng helmet ng mga mas bata sa 18 anyos. Para sa ibang edad, ang proteksyon ay opsyonal. Gayunpaman, mayroon ilang lungsod na hiniling na gawing mandatory ang helmet para sa lahat tulad sa Florence.

Bawal ang mag-angkas 

Kinumpirma ng bagong alituntunin ng highway code ang pagbabawal sa pag-aangkas o pagsasakay ng ibang tao, bukod sa driver. Bawal din ang pagsakay ng pet at ng ibang gamit. Bawal din ang paghila o hilahin ng ibang sasakyan. 

Reflective vest, plate number at insurance

Bukod sa mga nabanggit, sa pagpapatupad ng Infrastructure law, ay ipatutupad din ang ang pagsusuot ng reflective vest o ng high visibility retroreflective shoulder strap, kalahating oras matapos ang sunset hanggang sa buong magdamag. Ito ay hindi obligado sa araw sakaling mahina ang visibility, tulad ng pagkakaroon ng fog.

Tulad ng mga bisikleta, kahit ang mga electric scooter ay walang plaka o plate number at walang insurance (maliban sa electric scooter sharing na dapat ay mayroong coverage sa RC o responsabilità civile). 

Gayunpaman, simula sa July 1, 2022 ay mandatory ang pagbebenta sa Italya ng mga monopattini na mayroong frecce na magsisignal ng pagliko at ng pagpreno. Samantala, may panahon pa hanggang January 1, 2024 ang mga mayroon ng monopattino para mag-upgrade.

Parking 

Ang mga monopattini ay pinapayagang mag-park sa mga lugar na nakalaan para sa mga bisikleta, motorsiklo at moped.

Samantala, multa naman mula € 41 hanggang € 168 sa sinumang mag-iiwan o magpa-park sa mga sidewalk at lugar na hindi itinalaga ng Comune. 

Para sa mga sharing o app, ay obligadong magpadala ng picture kung saan iniiwan o pina-park ang monopattino. Ito ay upang maiwasan ang pag-park sa mga hindi authorized space. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Green pass, ibibigay sa mga nagpabakuna sa ibang bansa at ang booster dose sa Italya

Regularization 2020: Kanino lalapit upang malaman ang status ng aplikasyon?