in

Mga bagong regulasyon, pinag-aaralan para sa buwan ng Hunyo

Ako Ay Pilipino

Ang buwan ng Hunyo ay isang mahalagang buwan sa unting-unting pagbalik sa normal na pamumuhay sa Italya. Una ay dahil sa inaasahang pagdating ng 25M doses ng bakuna sa susunod na 30 araw. Ikalawa, ito ay buwan din ng unti-unting pagbubukas muli ng bansa, tulad ng nasasaad sa Road map ng decreto riaperture bis. 

Sa katunayan, simula sa June 1 ay inaasahang sasailalim ang unang 3 Rehiyon ng Italya sa zona bianca, Friuli Veneza Giulia, Molise at Sardegna. Samantala, karagdagang tatlong (o marahil apat) rehiyon – Abruzzo, Veneto at Liguria (o marahil ay kasama ang Umbria) – naman sa susunod na linggo at simula June 14, halos lahat na ng mga rehiyon (Lazio, Lombardia, Emilia Romagna) ay inaasahang sasailalim na din sa zona bianca. Ito ay kung magpapatuloy ang trend ng mga huling linggo at kung magpapatuloy ang pagbuti ng sitwasyon sa bansa.

Tulad ng nabanggit, malaki ang posibilidad na malaking bahagi ng Italya ay sumailalim sa zona bianca. Samakatwid, lahat ng ibang restriksyon ay tatanggalin na. At ang ipatutupad na lamang ay ang social distancing at pagsusuot ng mask.

Ngunit ang nabanggit na tanging restriksyon ay marahil na magkaroon ng karagdagang pagbabago, dahil ayon sa presidente ng rehiyon ng Friuli Venezia Giulia Massimiliano Fedriga ay magkakaroon sa lalong madaling panahon ng isang pagpupulong ang mga gobernador ng mga rehiyong inaasahang unang sasailalim sa zona bianca upang alamin kung mayroong iisang hangarin upang pag-aralan ang paglalagay ng karagdagang regulasyon. Aniya, siya ay umaasa na magkakasundo ang mga magpupulong at makakapagbigay sila ng mga bagong indikasyon sa lalong madaling panahon.

Matatandaang  simula June 1, ang mga restaurants at bars ay maaari na ring magpa-dine-in kahit sa indoor o sa loob mismo ng mga itoSa June 7 naman ay nakatakdang maging 12am na ang curfew, hanggang sa tuluyang pagtatanggal ng curfew sa June 21. At sa June 15 ay may pahintulot na din ang pagdiriwang ng malalaking okasyon kahit sa indoor. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Mga araw ng bakasyon sa domestic job, narito kung paano kinakalkula

Carta Identità Elettronica, ano ang dapat gawin kapag nawala ang Pin code?