in

Mga Chinese residents, nagpapabakuna laban Covid19 sa China at nagbabalikan sa Italya

Ayon sa mga kumakalat na balita, maraming Chinese na residente sa Italya ang umuuwi umano sa kanilang country of origin upang magpabakuna at pagkatapos ay nagbabalikan sa Italya. 

Nitong nakaraang Nobyembre ako ay nagpabakuna laban Covid19 sa isang ospital sa China. Ngayon ako ay may immunity na”, ayon sa kwento ni Gioia Wuang, isang negosyanteng Chinese sa Roma na kababalik lang mula sa China.

Maayos ang pakiramdam ko, hindi ako nilagnat at wala ring akong pananakit na naramdaman. Hindi naman obligado, ang sinumang gusto ay maaaring magpabakuna. Sa Zhejiang, ang aking rehiyon, ay wala ng infected nh covid19 kahit isa”. 

Dahil dito, maraming Chinese ang umuwi sa China para mapa-bakuna. Marami din ang nagmula sa Spain at Germany.

Sa ngayon, maraming Chinese ang umuwi ng China para magpabakuna at natatakot bumalik ng Italya dahil sa dami ng mga infected”, kwento ng negosyante sa Adnkronos

Ito ay aking sariling desisyon. Para sa akin ang pagpapabakuna ay magpapa-panatag sa aking kalooban. Dalawang doses ang itinurok sa akin at ako ay nagbayad ng € 60. Ang aking kaibigan, matapos magpabakuna ay nagpunta ng ospital para siguraduhin ang pagkakaroon ng anti-bodies at sya nga ay mayroong antibodies. Ang value ay 2.1”, aniya.

Dahil dito, ay kanyang ipinapayo ang magpabakuna. Aniya, kung magpapabakuna ang lahat ay wala na umanong magkakasakit. 

Sa Italya ang mga Chinese na infected ay kakaunti lamang. Para kay Gioia Wuang, ito ay dahil maingat umano ang mga Chinese: palaging gumagamit ng mask, ng hand sanitizer at hindi halos lumalabas ng bahay para pumunta sa restaurant, makipagkita sa mga kaibigan o ang magbakasyon. “Sa taong ito, ay palagi kaming nasa bahay lamang”. 

Halos hindi na gumagamit ng mask sa aking lugar sa China, sa pagpasok na lamang ng mga shops, pati ang body temperature measurement. At kung sakaling mayroong isang infected, ay ginagawa agad ang free swab test sa buong lungsod”. (www.stranieriinitalia.it)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako ay Pilipino

Maaari bang i-report sa awtoridad ang kapitbahay sa pagkakaroon ng bisita sa sariling tahanan ngayong Pasko?

Ako ay Pilipino

May pahintulot ba ang pagpunta sa ibang Rehiyon ng Italya para sa turismo?