Sinumulan na ang pagtuturok ng booster dose, ang ikatlong dosis ng bakuna kontra Covid19. Ito ay nakalaan para sa mga matatandang may edad na 80 pataas, mga staff at mga pasyente ng RSA o nursing home, at para din sa mga health workers over 60 o may mga pathology at itinuturing na ‘fragile’.
Sila ang mga unang makakatanggap ng booster dose sa Italya tulad ng nasasaad sa Circular ng Ministry of Health.
Sa Circular ay mababasa ng detalyado ang listahan ng mga kategorya.
“Mga matatandang may edad na 80 pataas at staff at mga pasyente ng RSA (Residenza Sanitaria Assistenziale) o nursing home. Susunod ang mga health workers na nagta-trabaho sa mga publiko o pribadong health facilities o clinic, publiko o pribadong social-health at social assistance facilities, pharmacies at mga parapharmacies, mula 60 anyos pataas – o ang mga mayroong karamdaman na mahina ang resistensya at delikadong tamaan ng sakit na Covid19”.
Ang booster dose ay ibibigay makalipas ang (hindi bababa) sa 6 na buwan makalipas ang second dose ng bakuna kontra Covid19.
Tulad ng inaasahan, ay matatanggap ang bakunang mRna bilang booster dose.
“Anuman ang itinurok na dalawang dosis (Comirnaty, Spikevax, Vaxzevria, Janssen), ay dapat isaalang-alang ang pahiwatig na ibinigay ng CTS (Comitato Tecnico Scientifico) sa AIFA (Agenzia Italiana del Farmaco), na sa ngayon ay posibleng gamitin lamang ang alinman sa dalawang bakuna ng m-Rna na pinahintulutan sa Italya bilang ‘booster dose’, ang Comirnaty ng BioNTech / Pfizer at ang Spikevax ng Moderna”, paliwanag pa ng Circular.
Samantala, ang pagbibigay ng booster dose sa buong populasyon sa bansa ay pagdedesisyunan pa batay sa mga makakalap pang impormasyon at kaalamang syentipiko pati na rin sa magiging takbo ng pandemya sa bansa. (PGA)