in

Mga estudyante balik eskwela

Ang eskwelahan ay bukas na, may dalang iba’t ibang balita lalo’t higit para sa mga kabataan sa mataas na paaralan.

Sa reporma na ipinatupad ng Ministry of Education, nabuksan ang dalawang bagong eskwelahan sa mataas na paaralan, sa musika at humanities, samantala, binawasan naman ng walang pakundangan ang ang ibang paksa sa klase. Pinalitan rin ang programa sa pag-aaral at binigyan naman ng pansin ang agham, malawakang pag-aaral sa history, literature at pilosopiya noong ‘900 (siyam na raan). 

Ang mga institusyong teknikal ay nagkaroon ng reorganization, na pang-enokomiya at teknolohikal, samantala, ang mga professional institutions ay nahati sa mga serbisyong pang- handicraft at industriya. Magkakaroon ng flexible na oras, kung saan ang mga estudyante ay maaaring magkaroon ng unang karanasan sa trabaho, pagsasanay sa mga kumpanya. 

Ang mga kabataang hindi italyano, ayon sa Ministry of Education ay hindi dapat lalampas sa 30% ng mag-aaral bawat klase. Ipinapaalala naman na sa taong ito, ang hindi papasok sa paaralan nang higit sa limampung araw ay awtomatik na ibabagsak sa klase.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Iringan sa pagitan nina Berlusconi at Fini

Sanatoria – mabagal na proseso