in

Mga ipinapanganak na sanggol, patuloy ang pagbaba sa bilang

Sa Italya ay tumataas lamang ang bilang ng mga bagong silang na sanggol mula sa mga dayuhang magulang: halos 80,000 sa taong 2011. Dalawang anak bawat inang imigrante, kumpara sa 1.3 ng mga Italian moms. Narito ang ulat ng Istat.

Roma – Nov 14, 2012 – Patuloy ang pagbaba ng mga isinisilang na sanggol sa Italya, maliban na lamang buhat sa mga imigrante.

Ayon sa provvisory datas na buhat sa Istat, noong 2011 ay naitala sa registry office ang 546.607 ipinanganak na sanggol, mas mababa ng halos 15,000 kumpara ng taong 2010. Kinukumpirmang mga figures ang pagkaunti ng mga isinilang na nagsimula noong 2009. Ang pagbaba, ayon pa sa mga researchers ay sanhi rin sa pagbaba ng mga ipinanganak na sanggol buhat sa parehong magulang na Italians, halos 40,000 kumpara noong 2008. Maging ang mga isinilang buhat sa isang magulang na dayuhan, na patuloy na pataas at halos 5,000 taun-taon hanggang 2010 na naging sanhi upang maibalik ang birth rate sa bansa, noong 2011 ay nagpakita ng isang pagbaba dahil sa pagkaunti ng mga ipinanganak na umabot sa 2,000 buhat sa mix marriages.

Ang mga ipinanganak buhat sa mga magulang na parehong dayuhan, gayunpaman, ay patuloy pa rin ang pagdami, bagaman mas mababa kaysa sa nakaraang taon at umabot sa 79,000 noong 2011 (ang 14,5% ng kabuuang bilang ng mga ipinanganak). Kung idadagdag sa bilang na ito ang mga ipinanganak na sanggol buhat sa mix marriages ay aabot sa 106,000 buhat sa isang magulang na dayuhan (ang 19.4 % ng kabuuang bilang ng mga ipinanganak).

Sa mga rehiyon ng North kahit na sa mas mababang bilang, at ang mga rehiyon sa Centre ay nagpapahiwatig na ang phenomenon ay higit na mataas kumpara sa average rate, o nangangahulugan na ang mga rehiyon na ito ay mayroong mas malakas na migration tradition at ang mga dayuhan ay mayroong mas matatag na presensya.  

Isa bawat limang naitala sa registry office ng mga ipinanganak noong 2011 ay mga dayuhan sa Emilia-Romagna (24%), sa Veneto at Lumbardy (22%); sinundan ng Umbria (20%), Piedmont, Tuscany at Marche (19%). Kabaligtaran naman, sa halos lahat ng mga rehiyon sa South kung saan ang percentage ng mga ipinanganak na dayuhan ay higit na mababa (ang 4,6% sa South at ang 4,3% naman sa mga Isole). Ang mga rehiyon sa South kung saan ang percentage ng mga ipinanganak na dayuhan ay nagsisimulang maging mahalaga ay sa Abruzzo (11%).

Kung isasaalang-alang ang breakdown bawat nasyonalidad ng mga dayuhang ina, nangunguna ang mga Romanians (18,484 ipinanganak na sanggol noong 2011), pangalawa ang Moroccans (13,340), ang ikatlo ay ang Albanians (9916) at ang ika-apat ay mga Chinese (5282).

Ang mga magulang na parehong dayuhan ay nagpapakita ng likas na pagnanasang bumuo ng pamilya kasama ang kababayan tulad ng mga Maghreb, Albanian, Chinese at ang mga Asians, tulad ng mga Pilipino na mayroong 1,657 at mga Africans. Kabaligtaran ng mga Ucranians, Polish, Moldovan, Russian at Cuban na nagkakaroon ng mga anak buhat sa Italian partners ng mga ito. Nasa kalagitnaan naman ang Romanian community, na nagpapakita ng mataas na homogamy (higit sa two-thirds ng mga ipinanganak), ngunit pati na rin ang magkaroon ng anak buhat sa Italian partner.

Bumaba naman para sa lahat ng mga kababaihan na naninirahan sa Italya ang fertility rate. Sa mga Italian moms ay bumaba mula sa 1.32 ang anak  (bawat ina) noong 2008 sa 1.3 ng 2011, ngunit maging pati sa mga dayuhang ina ay bumaba rin mula sa 2,31 sa 2,04. Ang Istat ay nagpahiwatig ng ang pagbaba ay nagsimula noong 2009 ay isang konteksto ng kalagayang pinansyal na maaaring sanhi ng pagpapaliban sa pagkakaroon ng anak.

Istat. NATALITÀ E FECONDITÀ DELLA POPOLAZIONE RESIDENTE Anno 2011

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ilog Tevere, under control

Mga nominado sa 2012 Asian TV Awards