Dahil sa kawalan ng trabaho, dumadami ang mga Italians na nagta-trabaho bilang caregivers o badante at tila nakikipag-agawan pa sa mga imigrante.
Roma, Nob 6, 2012 – Italyano muli ang linguahe ng caregivers. Kasabwat ang kasalukuyang krisis, ang mga kababaihan na nawalan ng trabaho o asawa ang nawalan ng trabaho o hiwalay sa asawa at mayroong anak, ay nakikipag-kumpetensya na sa traditional figure ng colf at ng caregivers, na karaniwang dayuhan ang wika: Romanian 20%, Ukrainian 10%, Polish 7.7% at Moldavian 6.2%.
Nananatiling nasa kamay ng mga imigrante ang sektor ngunit ang pagbabalik ng mga kababaihang Italians sa tahanan ng mga matatanda at mga may sakit ay nararamdaman. Ito ay nasukat sa pamamagitan ng mga talaan ng iba’t ibang kurso sa bansa. Tulad ng pilot project na nagpapakilala ng mga colf sa mga condiminium sa Turin, Rome, Milan na inorganisa ng asosoasyon ng mga real estates owner.
Sa ganitong sitwasyon ang mga datos ay nagpapakita ng isang pagtaas sa mga huling taon ng 10% ng mga italian workers. At ang maraming specialization courses (ulat ng Acli Colf) ay nagtala ng isang partikular na interes mula sa mga Italians. Sa Turin, mula 948 registration noong 2008 ay tumaas sa 1757 ng 2010, isang pagtaas ng 85%.
Ang mga nagbabalik na Italians ay maaaring may mga bentahe kaysa sa mga kakumpitensyang komunidad: una ang mga pamilya ay mas gugustuhing ipagkatiwala si lolo o lola sa nagsasalita ng wikang italyano, o ng dialect at marunong magluto ng traditional food. May average age na 45 – 50 anyos, bahagyang mas may edad. Ngunit kung pinag-aralan ang pag-uusapan ay mas mababa ang level of instruction ng mga ito: ang mga dayuhan ay karaniwang nagtataglay ng diploma ng second decree high school, 37% at 6,8% naman ang mga tapos, laban sa 23,2% at 2,5% ng mga Italians.
Para sa lahat, mga Italians at mga dayuhan, ang karaniwang sahod ay 6,50 euro kada oras kapag regular, samantala 10 euros naman kung hindi (nero). Ngunit ang mga Italians ay walang permit to stay na pinangangalagaan o kahit anu pa mang dokumentasyon o sanatoria…