in

Mga pagbabago sa mga restriksyon, inanunsyo ni Premier Draghi

Ako Ay Pilipino
Mga pagbabago sa mga restriksyon, inanunsyo ni Premier Draghi

Inanunsyo ni Premier Mario Draghi ang mga pagbabago sa restriksyong kasalukuyang ipinatutupad sa Italya, sa ginanap na press conference sa Multifunctional Hall of the Presidency of the Council of Ministers. Kabilang na dito ang pagbubukas ng mga paaralan sa zona rossa at ang pagtatanggal sa zona bianca hanggang April 30, 2021.

Pagbubukas ng mga paaralan sa zona rossa

Una sa mga pagbabago ay ang pagbubukas ng mga paaralan hanggang prima media sa zona rossa. Ito ay nangangahulugan na makalipas ang easter vacation, ang mga scuola materna, elementarya at prima media ay magbabalik eskwela kahit sa ilalim ng restriksyon ng zona rossa. 

Ang mga paaralan ay magbubukas muli hanggang prima media at ginagawa ni Ministro Bianchi ang lahat upang maging maayos ang pagbubukas. Ayon sa mga scientific evidence, ang mga paaralan ay nagtala ng limitadong kaso ng coronavirus, sa pagpapatupad ng mga paghihigpit”. 

Pagtatanggal sa zona bianca hanggang April 30, 2021

Bukod dito, hanggang April 30 ay mananatiling walang zona gialla. Ito ay nangangahulugan na walang dine in sa mga bars at restaurants at mananatili ang for take out at home deliveries lamang. 

Bakuna at health workers

Ayon pa kay Draghi, isinasaalang-alang sa kasalukuyan ang pagkakaroon ng isang batas na mag-oobliga sa mga health workers –  mula sa mga duktor at nurses – na magpabakuna. Aniya lahat ng mga health workers ay maayos na nagampanan ang kanilang trabaho at malaking bahagi ang nagbigay ng magandang halimbawa. Maliit na bahagi lamang ang sinusuri at pinag-aaralan ang pagkakaroon ng isang batas ukol dito. 

Ako ay hindi pa nababakunahan. AstraZeneca ang ibibigay sa akin marahil sa susunod na linggo. Ako ay nagpa-book na ngunit naghihintay pa ako ng kumpirmasyon ng aking schedule”, balita ni premier Draghi.

Basahin din:

(PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ako-ay-pilipino

Ang kulay ng mga Rehiyon simula March 30

Bakuna laban Covid19 sa mga Pharmacies, aprubado na!