in

Mga pagtanggi sa request ng STP ng mga dayuhang hindi regular, binatikos!

altNAGA: nagtatanggol sa mga karapatang pang kalusugan ng mga banyaga regular man o hindi.

“Si Rashid ay isang Palestino,  tatlumpung taong gulang na may problema sa puso na nagtungo sa ‘Fatebenefratelli Hospital upang magpagamot ngunit tinanggihan ang kanyang request para makakuha ng isang STP (Temporary Sanitary Permit). Si Rashid ay may alam ng apat na wika, kabilang dito ang Italyano, sya ay nagtungo at humingi ng tulong sa isang asosasyon (Naga) at matapos ang isang mahabang proseso ay nakatanggap din sa wakas ng karapatang makapag-pagamot si Rashid”.

Ito ay isang katotohanan na ang pangangalaga sa kalusugan ay madalas na ipinagkakait sa mga iligal na dayuhan, “kung sila ay may problema sa kalusugan ang kanilang paghihirap ay doble ang sakit:. Ito ay sanhi ng kakulangan ng kanilang karapatan sa kalusugan”

Ito ay isang ulat mula sa asosasyon ng mga boluntaryo ng Naga, na naniniwala at nagtatanggol sa mga karapatang pang kalusugan ng mga banyaga at sa kanilang mga karapatan.

Batay sa isang survey na isinagawa sa 560 pasyente na nagtungo sa klinika ng asosasyon, ayon sa isang tala ng association, “isang hindi epektibong pamamahala ng STP, ito ay isang uri ng dokumentong iginagawad sa mga iligal na dayuhan, na ayon sa batas, ang mga ospital ay maaari at dapat na magbigay ng tulong sa mga ito sa oras ng pangangailangan tulad ng karamdaman.

Sa halos 94 pasyente na unang nagtungo sa ‘Pronto Soccorso’ (emergency)  bago ang magtungo sa Naga o mga pinapunta ng Naga sa mga ospital upang mag request ng STP, anim sa bawat sampung kaso ay tinanggihan ng mga osptital.

Kasama sa naturang survey ang 13 duktor ng Naga na katulong sa pagpi fill up ng mga questionnaire para sa bawat pasyente na kanilang binisita mula sa kalagitnaan ng Nobyembre 2010 hanggang sa kalagitnaan ng Marso 2011. Sa karamihan ng kaso, ang mga tinanggihan ay karaniwang mga kalalakihan (77% kumpara sa 23% mga kababaihan). Sila ay karaniwang may edad na 37 taon, karamihan ay mula sa North Africa (Ehipto, Morocco at Tunisia) gayun din mula sa Senegal, Sri Lanka, Bangladesh, Romania at Peru.

Halos 26% ng mga kaso lamang ang walang sapat na kaalaman sa wikang Italyano. Samantala, ang karaniwang mga sakit ay ang kahirapan sa panghinga, musculoskeletal at gastrointestinal.

Ang survey ay nagpapakita na “ito ay  isang hindi patas at hindi tamang aplikasyon ng mga tuntunin, maling pamamahala ng STP na magbubunga ng pagsasawalang bahala at pagsasa-isang tabi ng karapatang pang kalusugan” pagtuligsa ni Stefano Dallavalle at Gugliemo Meregalli, ang dalawang boluntaryong duktor na nagsasagawa ng pananaliksik.

Ayon sa dalawang doktor: “Ino-obserbahan ang iba’t-ibang uri ng pagtanggap mula sa pinaka wastong pagharap at pagtanggap ng mga pasilidad ng kalusugan hanggang sa mga pagtanggi  at pagkakait ng mga pangunahing pangangailang pang kalusugan, bukod pa sa kakulangan ng impormasyong ukol sa STP di lamang ng mga tauhan ng ospital gayun din ng mga mamamayang dayuhan na syang lubhang nagpapahirap sa mga ito. (Narito ang ilan sa mga nakuha ng mga duktor ng Naga).

Sa pagtatapos ng mga survey, ang asosasyon ay gumawa ng tatlong mga panukala upang baguhin ang kasalukuyang sitwasyon at upang mapigilan na ang mga iligal na dayuhan ay patuloy na magtiis ng dobleng sakit na nagbubuhat sa kakulangan ng kanilang access sa pangangalagang pang kalusugan.

Ang panukala ay ang: “ang pagsasama sa mga iligal na dayuhan sa listahan ng pangkalahatang pangangalaga na syang bubuo ng isang radikal na pagbabago sa kasalukuyang sitwasyon, ang simpleng pamamaraan at awtomatikong access sa karapatan sa kalusugan at mabisang  pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan bilang iligal na dayuhan..”
 
Inaasahan din ng Naga na mapapabuti ang sitwasyon, gayunpaman, at makakagawa ng isang malaking unipormeng aplikasyon ng batas at kasunod nito ang pagbibigay  at maayos na pamamahala ng STP sa lahat ng pampublikong istrukturang pang kalusugan at kumbensyon ng Lombardy. Sa pamamahalang ito ay maaaring isunod ang mga hakbang sa diagnostic at therapeutic side.

Ang panghuling proposal ng Naga ay “ang kampanya sa sambayanan sa kamalayan, pagsasanay at impormasyon sa mga alituntunin, at pangunahing mga karapatan sa kalusugan para sa lahat ng mga manggagawa, regular man at hindi.”
 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PANGASINAN, umaasa sa pagdagsa ng mga turista ngayong summer!

Batangas at Roma Magkakaroon ng “Memorandum of Understanding”