in

Mga papasok sa Italya mula Romania at Bulgaria, may mandatory quarantine

Isang bagong ordinansa ang pinirmahan kahapon, July 24, 2020 ni Minister of Health Roberto Speranza kung saan nasasaad ang 14-day mandatory quarantine sa lahat ng mga mamamayang papasok sa Italya, na sa huling 14 na araw ay nagpunta o nanatili sa mga bansang Romania at Bulgaria

Parehong ordinansa ang kasalukuyang ipinaiiral din sa lahat ng mga mamamayan mula sa non-Schengen at non-European countries, kasama ang Pilipinas.

Nananatili pa rin sa sirkulasyon ang virus at dahil dito ay nangangailangan ng matinding pag-iingat”, ayon pa sa Ministro na kinunsulta din si Foreign Minister Luigi Di Maio para sa kasalukuyang lagay ng pandemya sa buong mundo. 

Sa Italya ay tinatayang isang milyong Romanians ang mga manggagawa sa construction at dometsic sector. Maraming manggagawa ang bumalik sa sariling bansa sa panahon ng lockdown at unti-unting nagbabalikan ngayon sa Italya para sa kani-kanilang trabaho. 

Ngunit ang muling pagtaas sa bilang ng mga bagong kaso ng covid19 sa Romania at ilang nag-positibong Romanians sa pagbalik sa Italya ay naghatid ng pagkabahala sa bansa, partikular sa Roma, kung saan tumaas ang bilang ng mga bagong kaso ng covid19 dahil sa mga bumabalik na manggagawa mula sa Bangladesh na naging sanhi ng pansamantalang pagsasara ng Italya sa 16 na bansang itinuturing na ‘high risk’.

Ito ay ang unang pagkakataon na mula sa pagtatanggal ng lockdown sa Italya ay pinatawan ng restriksyon sa free circulation ang dalawang  Schengen countries – Romania at Bulgaria. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Fake na website at app para sa bonus bici, nagkalat sa web!

Regularization, mga Paglilinaw mula sa Labor at Interior Ministries