“May every priest, therefore, be a guide, support and comfort to penitents on this journey of special reconciliation”. “I henceforth grant to all priests, in virtue of their ministry, the faculty to absolve those who have committed the sin of procured abortion.” Santo Papa.
Rome, Nobyembre 22, 2016 – Binigyan ni Pope Francis ng special permission ang mga pari na patawarin ang mga kababaihang sumailalim sa abortion.
Ang naturang special permission ay ibinigay sa mga pari sa panahon ng katatapos lamang na Holy Year of Mercy na tumagal mula December 8, 2015 hanggang November 20, 2016 sa pammagitan ng pagsasara ng Holy Door sa Vatican.
Sa isinulat sa Apostolic Letter ng Santo Papa na isinapubliko ng Vatican, ay sinabing walang kasalanan ang hindi kayang patawarin at linisin ng Diyos mula sa pusong humihingi ng kapatawaran.
“May every priest, therefore, be a guide, support and comfort to penitents on this journey of special reconciliation,” the letter continues. “I henceforth grant to all priests, in virtue of their ministry, the faculty to absolve those who have committed the sin of procured abortion.” ayon sa sulat ng Santo Papa.
Gayunpaman, binigyang diin pa rin ng Santo Papa na ang abortion ay isa pa ring “grave sin” dahil sa pagwawakas nito ang isang inosenteng buhay.
Simula noong 2015, pinayagan ni Pope Francis ang lahat ng mga rank-and-file na pari na bigyang kapatawaran ang abortion.
Sa nakaraan, pawang mga obispo lamang ang maaring gumawa nito o maaring magtalaga ang Santo Papa ng isang pari na eksperto sa ganitong sitwasyon.
Umaasa naman ang Santo Papa na gabayan at suportahan ang mga humihingi ng special reconciliation.