Susunod ang Italya sa European standard ng mga permesso di soggiorno. Moderno at may higit na seguridad laban sa anumang uri ng palsipikasyon.
Sa pagpapatupad ng Decreto ng Jan 20, 2021 ng Ministry of Interior, ay inaprubahan ang bagong modelo ng permesso di soggiorno para sa mga third country nationals, na papalit sa kasalukuyang ginagamit ng marami.
Bukod sa pagiging mas moderno, ito ay susunod European standard kung saan napapaloob ang karagdagang elemento para sa higit na seguridad at ligtas sa panganib ng palsipikasyon.
Ang lahat ng mga detalye ay nasasaad sa decreto ng Ministry of Interior na sang-ayon sa Ministry of Technological Innovation, at inilathala kamakailan sa Offical Gazzette.
Bukod dito, ayon sa ulat ng Integrazione Migranti, isa sa pagbabago ay ang expiration date partikular sa mga EC long term residence permit o permessi Ue per soggiornanti di lungo periodo. Hindi na makikita ang salitang ‘illimitata’, bagkus ay makikita na ang araw, buwan at taon ng expiration ng dokumento.
Gayunpaman, ang mga bagong permesso di soggiorno ay unang ire-release sa Questura di Terni bilang experimental period nito.
Ang lahat naman ng mga inisyu na permesso di soggiorno ay mananatiling balido hanggang sa pagsapit ng expiration nito.