in

Mga pinalad sa pre-enrollment, Italian language unang pagsusulit!

altEntry visa ibibigay hanggang ngayon sa mga nag-apply sa pre-enrollment. Entrance exam sa Setyembre na.

Rome – May ilang nasa Italya na, ang iba ay darating sa mga susunod na araw. Patapos na ang mahabang proseso ng mga banyagang mag-aaral na nagnanais sa Italy magpatuloy ng unibersidad.

Noong nakaraang Mayo, sa pamamagitan ng mga konsulado ng Italya, ay nag-sumite ng mga aplikasyon para sa pre-enrollment ang mga mag-aaral na naninirahan sa ibang bansa upang makipagsapalaran kung papalaring makapag-patuloy ng pag-aaral sa Italya.

Ilang linggo na ang nakaraan nang ilathala ang listahan ng mga kandidatong sasailalim sa pagsusulit, na sa pamamagitan ng mga Consulates, hanggang ngayong araw na ito ay ipagkakaloob ang entry visa sa pagpasok sa Italya.

Ang unang pagsubok, tulad ng inaasahan ng lahat, ay ang wikang Italyano, ay gaganapin sa Septiyembre 1. Pagkatapos ay magsisimula ang exam para sa mga quota course tulad ng medicine at architecture. Ang mga papasa lamang sa entrance exam ang papalaring magpatuloy ng kurso sa unibersidad at magkakaroon ng permit to stay bilang mag-aaral.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Libreng plane ticket at 200 euro sa mga kusang-loob na babalik sa sariling bansa (rimpatrio volontario) para sa Emergenza Sbarchi

President Aquino declares August 29-30, 2011 as regular holidays