Muling magbabago ng kulay ang mga rehiyon ng Italya simula March 8 dahil sa patuloy na banta ng Covid19.
Pinirmahan na ni Health Minister Roberto Speranza ang ordinansa batay sa datos ng weekly monitoring ng Istituto Superiore di Sanità (ISS) na nagtala ng RT na mas mataas sa 1 sa 10 rehiyon.
Ang Campania, mula zona arancione ay magiging zona rossa. Friuli Venezia Giulia at Veneto naman mula zona gialla ay magiging zona arancione. Malaking bahagi ng Emilia Romagna, o 5 sa 9 na provincie nito ay sasailalim sa zona rossa. Ang Lombardia ay mananatiling arancione scura, pati ang kalahati ng Piemonte. Mananatili sa zona gialla naman ang Lazio, Liguria at bianca naman ang Sardegna.
Zona rossa – rischio alto o high risk – Campania, Molise at Basilicata
Zona arancione – rischio medio-alto o average-high risk – Friuli Venezia Giulia, Veneto, Emilia Romagna, Abruzzo, Marche, PA di Bolzano at Trento, Toscana, Umbria, Lombardia (arancione rafforzata) at kalahati ng Piemonte.
Zona gialla – rischio moderato o moderate risk – Calabria, Lazio, Liguria, Puglia, Sicilia, Valle d’Aosta
Zona bianca – rischio basso o low risk – Sardegna
Sitwasyon sa iba’t ibang bahagi ng Italya
Piemonte – arancione rafforzata sa 20 distretti. Torino, online class simula II Media.
Emilia Romagna – zona rossa sa 5 provincie: Ravenna, Forlì-Cesena, Rimini, Bologna, Modena. Zona arancione naman ang Ferrara, Reggio Emilia, Parma e Piacenza.
Calabria – suspendido ang mga klase ng dalawang linggo.
Abruzzo – mga paaralan at hairdressers bukas kahit nasa zona rossa.
Marche, Ancona at Macerata – zona rossa
Tosacana – Pistoia sa ilalim ng zona rossa
Lombardia – arancione rafforzata
Basahin din:
- Bagong DPCM, narito ang mga paghihigpit hanggang April 6
- Lombardia, arancione scuro hanggang March 14
- Arancione scuro, bagong kulay sa klasipikasyon ng sitwasyon ng Covid19 sa Italya
- Kulay ng mga Rehiyon ng Italya, simula March 1
(PGA)