Roma – Abril 2, 2013 – Pupulungin ngayong umaga sa Quirinale ng Presidente ng Republika, Giorgio Napolitano ang dalawang grupong itinalaga upang tukuyin ang mga programang pampolitika para sa pormasyon ng panibagong gobyerno.
Ang responsabilidad ng mga tinatawag na “saggi” ay limitado at magtatagal lamang ng 8 hanggang 10 araw, ayon pa sa Head of State at inamin ang pagkadismaya nito sa mga akusasyon ng pagsasailalim sa compulsary administration ng Kamara ng Pdl.
“Matapos ang halos 7 taon, bago matapos ang aking panunungkulan, ay tila bangungot at ako ay naging sentro ng mga reaksyon at di pagkakaunawaan, sa pagitan ng mga matatalino at mga nalilito”, ayon pa sa isang pahayagan.
Ayon pa sa Presidente ay tila iniwan syang nag-iisa ng mga partido at inilarawan bilang “pinaka mahirap na bahagi” ito ng kanyang panunungkulan. Matapos ang ilang paratang sa kawalang ng kababaihan sa mga “saggi”.
Alas 11 ng umaga ay nakatakdang pulungin ang unang grupo para sa tema ng budget at welfare, na binubuo nina Enrico Giovannini (Istat), Giovanni Pitruzzella (Antitrust), Salvatore Rossi (Bankitalia), Giancarlo Giorgetti (Lega), Filippo Bubbico (Pd) at ang ministro ng Eurpean Affairs, Enzo Moavero Milanesi.
Alas 12 ng tanghali ay nakatakdang pulungin ang 4 na bumubuo sa ikalawang grupo ukol sa tema ng institusyon: dating presidente ng Corte Costituzionale Valerio Onida, Luciano Violante (Pd), Mario Mauro (Scelta civica) at Gaetano Quagliarello (Pdl).
Itinalaga ni Napolitano ang dalawang grupo matapos ang mabigo ang head ng PD na si Pier Luigi Bersani na alamin ang pagkakaroon ng sapat na suporta sa pormasyon ng Parliyamento.
Kahapon sa Quirinale ay tinawag ang “saggi” bilang hindi opisyal at may limitadong responsabilidad. Ayon pa kay Napolitano, ang mga bumubo ng “saggi” ay gagawa lamang ng balangkas ng mga haharaping tema at binigyang diin na hindi maituturing na isang pormasyon ng bagong Parliyamento.