Naganap ang dalawng convention sa Roma upang harapin ang sambayan ukol sa circular n. 29 at n. 4.
Habang tumatagal ay patuloy na mainit pa rin ang isyu ng Circular 29 ng Ministero dell’Interno, hakit pa muling nagpalabas ang Ministry ng implementing guidelines (Circular 4) na naglilinaw ng pamamaraan kung paano tatanggalin ang middle name .
Ginanap din ang dalawang mag kasunod na convention; ang una ay sa pamamagitan ng mga Konsehal na Pilipino sa Roma noong nakaraang Huwebes at ang pangalawa naman ay sa pamamagitan ng Task force against Circular 29 noong nakaraang Linggo, upang muli ay linawin ang isyu at magbigay ng iisang indikasyon sa sambayanan.
Sa kasamaang palad, ang dalawang nabanggit na convention ay nagkaroon ng dalawa at magkahiwalay na direksyon. At ang sambayanang Pilipino muli ay nagtatanong.
Sa gitna ng hindi pagkakaisa ng sambayan, ipinapa-alala lamang sa lahat na ang Circular n. 29 ay patuloy ang aplikasyon sa buong Italya.
Sa lahat po ng mga sumusubaybay ng akoaypilipino.eu, aalamin po natin ang saloobin ng ating mga mambabasa ng may rispeto at pawang katotohanan lamang ang ihahayag sa pamamgitan ng isang katanungan na matatagpuan sa home page ng web site https://www.akoaypilipino.eu/.
Maraming salamat po.