Nitong nakaraang January 31, 2020 ang Fidaldo, Federazione Nazionale dei Datori di lavoro Domestico, kasama ang mga asosasyong Assindatcolf, Nuova Collaborazione, ADLD at ADLC ay pinirmahan sa Ministry of Labor ang updated minimum wage sa domestic job para sa taong 2020.
Ang pagbabago sa minimum wage taun-taon ay batay sa pagtaas ng 0.1% ng Istat index variation. Gayunpaman, ay bahagya lamang ang pagbabagong hatid nito kumpara sa nakaraang taon.
Bilang halimbawa, mula Enero 2020, ang minimum wage ng isang caregiver na may antas sa employment contract na BSuper na ang task o mansione ay assistenza a persona autosufficiente ay € 6,13 kada oras, habang ang antas na CSuper sa assistenza a persona non autosufficiente ay € 6,83 naman kada oras. Samantala, may sahod na €8,22 per hour naman ang nasa antas na DSuper.
Basahin din: Antas o lebel sa domestic job ayon sa CCNL
Samakatwid, ang pagbabago ay bahagyang pagtaas lamang sa sahod sa domestic job tulad ng isang live-in caregiver sa taong 2020 ay magkakahalaga lamang ng mas mababa pa sa €1 kada buwan o mula € 8 hanggang € 10 kada taon batay sa antas sa employment contract. (ni: PGA)