Simula January 1, 2021 ay ipinatutupad ang bagong table ng minimum wage sa domestic job. Dito ay nasasaad ang bahagyang pagtaas ng humigit kumulang na € 8 – 16.
Minimum wage 2021 sa domestic job
Bukod dito, ay mayroong karagdagang benepisyo o indennità, na nasasaad sa bagong CCNL. Narito ang table, mula sa Assindatcolf.
Matatandaang noong nakaraang Setyembre 2020 ay pinirmahan ang bagong Contratto Collettivo Nazionale (CCN) sa domestic job. Dito ay nasasaad ang mga mahahalagang pagbabago sa regulasyon at organisasyon upang madagdagan ang propesyonalismo ng mga manggagawa.
Nasasad din dito ang bahagyang pagtaas sa sahod sa sektor na nagsimula noong October 1, 2020.
- Sa mga babysitters na nag-aalaga ng mga bata hanggang 6 na taong gulang na nasa level B Super ay may karapatan sa karagdagang € 15,76 kada buwan o €0.70 kada oras.
- Sa mga caregivers naman na nasa level C o D Super, na nag-aalaga sa mga non auto-sufficienti o non-autonomous patients ay kikilalalnin ang karagdagang € 100 kada buwan o € 0,58 kada oras. (PGA)
Basahin din:
- Bagong Contratto Collettivo Nazionale sa Domestic sector, pirmado na. Ang nilalaman.
- Halaga ng kontribusyon 2021 sa domestic job, walang anumang pagtaas