in

Minniti, Poletti at Alfano, sa mahahalagang ministries ugnay sa imigrasyon

Ministries of Interior, Labor at Foreign Affairs – narito ang mga pinili ni Palolo Gentiloni sa tatlong mahahalagang ministries para sa mga imigrante. 

 

Roma – Disyembre 13, 2016 – Mahirap tukuyin kung hanggang kailan ang kanilang panunungkulan at kung paano nila haharapin ang usapin ukol sa imigrasyon ngunit isang bagay ang tiyak sa kasalukuyan, sa bagong gobyerno na pamumunuan ni Paolo Gentiloni, higit sa lahat sina ministers Marco Minniti, Giuliano Poletti e Angelino Alfano ang haharap sa atensyon ng mga dayuhan sa Italya. 

Ang bagong Interior Minister ay si Marco Minniti, 60 anyos tapos ng pilosopiya, miyembro ng Democratic Party at hanggang sa kasalukuyan ay ang Kalihim ng Prime Minister at kinatawan sa intelligence services. Sa kanya ipinagkaloob ang marahil pinakamahalagang posisyon sa gobyerno ukol sa imigrasyon, na hanggang sa kasalukuyan ay pinamunuan ni Angelino Alfano. Sa katunayan, ito ay tumutukoy sa kanyang pagbabalik o “promosyon” sa Viminale, kung saan mula 2006 – 2008 ay naging Interior Deputy Minister. 

Ang Ministry of Interior ang nangungunang tanggapan at sinusundan ng mga Questure at Sportelli Unici per Immigrazione at samakatwid, ng malaking bahagi ng burukrasiya ng imigrasyon sa bansa tulad ng permit to stay, integration agreement, family reunification at naturalization. Ang Viminale ay nakikipag-tulungan sa territorial committee sa pagkilala sa asylum seekers pati na rin sa sistema ng pagtanggap sa mga refugees. Sa pamamagitan naman ng Polizia di Stato ay nilalabanan ang irregular migration na nagpapatakbo sa mga expulsion orders. 

Giuliano Poletti, 65 anyos, kumpirmado bilang Labor and Social Policy Minister, ang posisyon na ibinigay na rin ni Matteo Renzi. Agricultural expert at nagsimulang magtrabaho bilang isang agricultural technician. Sa pagitan ng taong 70s at 80s ay sumapi sa Partito Comunista Italiano at sa unang bahagi ng 90s naman ay lumipat sa Democratic Party at pagkatapos ay hindi na umanib pa sa anumang partido. Naging presidente ng Legacoop Nazionale at Alleanza Nazionale delle Cooperative.  

Ang Ministry of Labor ang nagpapatupad ng mga programa ukol sa pagpasok ng mga manggagawa mula sa labas ng Italya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga quota ng decreto flussi, batay sa pangangailangan ng mga pamilya at kumpanya, na nanatiling sarado sa mga nagdaang huling taon maliban sa seasonal workers sanhi ng krisis sa ekonomiya. Ito rin ang namamahala sa mga integration programs at mga proyektong nakalaan sa mga higit na nangangailangan, kung saan bahagi ang karamihan sa mga dayuhan. 

Sa Foreign Affairs naman ay isang mukhang tanyag na sa mga dayuhan sa Italya: Angelino Alfano, 46 anyos at isang abogado. Tagapagtatag at presidente ng New Centre-Right, ka-alyansa ng PD. Sa nakaraan ay dating secretary ng Popolo della Libertà ni Silvio Berlusconi. Nanungkulan na rin sa matataas na posisyon bilang Justice Minister, Deputy Prime Minister at Interior Minister hanggang sa kasalukuyan. 

Ang Foreign Ministry ay ang tinig ng Italya sa buong mundo at samakatwid ay responsabile sa diplamatic relations sa mga country of origin ng mga imigrante, gumagawa ng mga bilateral agreements at cooperation projects. At mula sa Farnesina ay nakasalalay ang mga Italian consulates sa buong mundo kung saan dapat dumaan ang sinumang nangangailangan ng entry visa papuntang Italya. 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Gentiloni manunumpa ngayong gabi

Ang bagong gabinete sa pamumuno ni Paolo Gentiloni