in

Modus sa pagkilala ng International Protection, 13 arestado sa Cagliari

Kabilang ang mga public officials partikular ang dalawang miyembro ng Commission na nagbibigay ng International Protection Status at ilang empleyado ng Ministry of Interior sa 13 suspect sa kasong favoreggiamento dell’immigrazione clandestina at permanenza illegale in Italy ang inaresto kahapon sa Cagliari.

Sa magkasabay na imbestigasyon ng mga awtoridad at ng mga ahente ng Digos ay nadiskubre ang isang malawakang modus kung saan sangkot ang196 katao – 28 ay mga Italians at mga kilalang leaders ng mga Bangaladeshi community.

Ayon sa ulat, ang biglang dami ng mga Bangladeshi na international protection seeker ang nagtulak sa mga awtoridad na gawin ang imbestigasyon.

Nadiskubre ang isang maayos na sistema ng modus bukod pa sa angkop na requirements at perpektong kundisyon na nagawang malampasan ang regulasyon upang matanggap ng aplikante ang positibong desisyon ng komite sa pagkilala ng International Protection.

Palsipikadong mga dokumento ng accommodation, pekeng address at pekeng employment contract bilang mga colf dahil na rin sa mga kasabwat na owner ng mga appartments at employer ‘kuno’. Lahat ng ito sa halagang mula € 500 hanggang € 6,000.

Kasabwat din pati ilang interpreters ng Commission. Ito ay upang malaman kung anu-ano ang mga dokumentasyon ang hihingin pati na rin kung ano ang mga dapat isagot sa bawat katanungan sa Commission hearing bago magbigay ng positibong opinyon.

Samantala, ang mga miyembro naman ng Commissione di Cagliari, kapalit ng malaking halaga ay pinapalampas na ang mga aplikasyon kahit wala o kulang sa dokumentasyon at hindi na rin pinadadaan pa sa pagsusuri ng Commissione.

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ZUMBATHON Charity Event ng Hyper Megara Fitness Club, tagumpay!

Ferie o bakasyon ng mga colf, paano kinakalkula?