in

Moment of sharing sa pagitan ng mag-aaral pagkatapos ng eskwela – Istat

Moments of sharing o bonding. Kadalasan ay mga magkakasama pa rin pagkatapos ng eskwela. Ayon sa Istat survey: “La Scuola e le attività educative”

Roma – Oktubre 5, 2012 – Ang mga paaralan ay ang lugar kung saan ang mga kabataan buhat sa iba’t ibang kultura ay nagkakaroon ng mas malalim na samahan. Karamihan ng mga kabataang Italyano ay mayroong mga classmates na anak ng mga imigrante, at kadalasang kahit matapos ang klase ay magkakasama pa rin ang mga ito.

Ito ay isa sa mga tema na na-highlight sa report ng "La scuola e le attivtà educative”, na inilathala kamakailan ng Istat.

Sa pagbibigay ng mga datas ng Ministry of Education, ayon sa Istat, sa school year 2010/2011 ay umabot sa 711,000 ang mga mag-aaral na hindi mga Italians, naglalarawan na halos 8% ng kabuuang popolasyon ay matatagpuan sa paaralan. Ang pinaka mataas na porsyento ay matatagpuan sa preschool (8.6%), sa primaryang paaralan o elementary school (9%) at high school (8.8%). Ang bilang ay bumababa sa second degree high school (5.8%), ngunit, sa mga nakaraang taon ang pagtaas sa bilang ay mas malaki kaysa sa ibang antas.

Iba pang impormasyon ang nagmula sa survey na isinasagawa ng Istat para sa mga pamilya upang suriin ang mga aspeto ng pang-araw-araw na buhay. Ipinapakita na higit sa kalahati ng mga mag-aaral na Italyano na may edad sa pagitan ng 6-17 taon sa obligatory school ay mayroong classmate na dayuhan (higit sa 3 milyong mga mag-aaral, 59,3%). Ang porsyentong ito ay mas mataas (higit sa 78%) sa Central North, kung saan mas marami ang mga dayuhan, habang sa South at ang mga Isla ayhindi umabot sa 33%.

1% lamang ng mga Italyanong mag-aaral na may edad na 6-17 ang mayroong higit na mag-aaral na dayuhan. Isang bagay na bumago sa alarma ng ghetto-class, at naglinaw sa kaso ng paaralan na nasa ilalaim ng experimental period tulad ng Lombardo Radice school sa Milan.

Ang survey ay nagpakita rin ng higit sa 1 milyon at 700 libong Italyano mga mag-aaral na may edad na 6-17 (28.7% ng kabuuang) ay patuloy ang pakikipag-kaibigan sa mga dayuhang classmates maging matapos ang oras ng klase, isang pangkaraniwang bagay sa edad at antas ng paaralan. Ayon sa survey, ay 40% sa North kumpara sa 15.4% sa South at 13.6% sa mga Islands, at “ito ay nagpapakita – bigay diin ng Istat – ng pagkakaroon ng moment of sharing o bonding sa pagitan ng mga Italians at dayuhan, sa labas ng paaralan”.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Arroyo inaresto

Sen. Escudero , inaming girlfriend si Heart