Simula sa July 1, ang bonus ng Renzi ay magkakaroon ng pagbabago: sa halaga at limitasyon sa kita, at kapalit nito, ang isang bagong bonus sa sahod ng lavoro dipendente.
Ang bonus Irpef na € 80 na nagsimula noong 2015 mula sa gobyerno ni Renzi ay nagpapaalam na, at mayroong bagong bonus na nagkakahalaga ng € 100 na matatanggap sa busta paga o pay envelope ng mga lavoratori dipendenti na may sahod na hindi hihigit sa €28,000.
Samakatwid, ang karagdagang € 20 kada buwan ay matatanggap sa busta paga ng mga dating tumatanggap na ng bonus Renzi.
Ang mga mayroong sahod na higit sa €28,000 hanggang € 35,000 ay mayroong detrazione fiscale o tax deduction na nagkakahalaga ng €100, na unti-unting nababawasan hanggang umabot sa zero amount sa sandaling umabot ang kabuuang sahod sa € 40,000. Ang detrazione fiscale o tax deduction sa sahod na mas mataas sa € 28,000 ay itinalaga ng Legge di Bilancio 2021.
Ang credito Irpef na matatanggap sa busta paga ay nasasaad sa artikulo 1 ng D.L bilang 66/2014 at kinumpirma ng Legge di Stabilità 2015. Ang pagtaas sa halaga hanggang sa € 100 at ang pagpapatupad ng bagong tax deduction ay bahagi ng proyekto na bawasan o tanggalin ang cuneo fiscale, ang unang hakbang sa inihayag na reporma sa buwis o IRPEF.
Ang sinumang lalampas sa taunang sahod na nagkakahalaga ng € 8,174 o ang mga mayroong tax exemption at tinatawag na ‘incapienti d’imposta’, ay walang karapatang matanggap ang bonus Renzi na €80, katulad din ng bagong bonus cuneo fiscale.
Tandaan na ibabalik din ang kabuuang halagang natanggap sa pamamagitan ng tinatawag na ‘conguaglio fiscale’ ng mga walang karapatan sa bonus ngunit nakatanggap nito.