Sa pinakabagong dekreto na inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro kamakailan, na ikalimang probisyon mula katapusan ng Nobyembre 2021, ay muling nadagdagan ang mga preventive measures upang pigilan ang Omicron variant sa fourth wave ng Covid19 sa Italya.
Narito ang mga petsa na simula ng mga bagong regulasyon at karagdagang paghihigpit
January 8, Mandatory Covid19 vaccination sa lahat ng mga over 50s sa Italya
Sa lahat ng mga over50s na residente sa Italya, Italyano at dayuhan – maliban sa mga mayroong exemption dahil sa kalusugan ay ipatutupad ang mandatory Covid19 vaccination. Para sa mga gumaling sa sakit na Covid19 ay ipatutupad ang bagong batas hanggang maximum na 6 na buwan mula sa petsa ng paggaling. Ang bagong batas ay ipatutupad hanggang June 15, 2022 at ito ay ipatutupad din sa mga magiging 50 anyos hanggang sa nabanggit ng petsa.
January 10, Almost lockdown para sa lahat ng mga hindi bakunado
Ang Super Green pass ay mandatory sa lahat ng lugar, maliban sa mga nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan. Ang Super Green pass ay mandatory sa pagsakay sa mga tren, bus, metro at lahat ng iba pang uri ng transportasyon, sa pagda dine-in sa mga open space restaurants/bars, sa pagpasok sa mga hotels, gyms, cinema, museums at iba pang ibang lugar ng libangan.
January 10, maaaring magpabakuna ng booster dose makalipas ang 4 na buwan
Ang agwat ng panahon sa pagpapabakuna ng booster dose ay binawasan ulit: mula limang (5) buwan sa apat (4) na buwan. Ito ay hindi mandatory.
Simula January 20, Green pass kinakailangan sa mga barber shop/hairdresser
Mandatory na din ang pagkakaroon ng Basic Green pass sa pagpasok sa mga barber shop, hairdresser at beauticians.
February 1, ang validity ng Super Green pass ay gagawing anim (6) na buwan
Babawasan ang panahon ng validity ng Super Green Pass sa anim (6) na buwan. Ang sinumang nagpabakuna ng second dose at hindi magpapabakuna ng booster dose nang higit sa anim (6) na buwan, ang hawak na Super Green pass ay awtomatikong mage-expire.
February 1, Green pass sa pagpasok sa posta, bangko at mga shops
Sa pagpasok sa anumang tanggapang publiko tulad ng poste italiane, mga bangko, at mga commercial activities ay kakailanganin ang Basic Green pass.
Tanging sa mga commercial activities na nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng supermarkets at pharmacies hindi mandatory ang pagkakaroon ng Green pass.
February 1, multa sa mga over 50s na hindi magpapabakuna
Simula February 1, ang mga over 50s na hindi mababakunahan kahit unang dosis ng bakuna kontra Covid19 hanggang January 31, 2022 ay mumultahan. Ang multa, na nagkakahalaga ng €100,00 ay ipapadala direkta ng Agenzia dell’Entrate na mayroong kakayahan at kapangyarihang suriin ang listahan ng mga hindi pa nababakunahang over 50s mula sa ASL.
February 15, Super Green pass mandatory sa workplace ng mga over 50s
Lahat ng mga public at private workers na may edad 50 anyos ay mandatory ang pagkakaroon ng Super Green pass, na matatanggap lamang sa pamamagitan ng bakuna at paggaling sa sakit na Covid19. Ang sinumang walang Super Green pass ay hindi makakatanggap ng sahod ngunit hindi naman mawawalan ng trabaho. Ang pagpasok sa trabaho nang walang certificate na magpapatunay ng bakuna o paggaling sa Covid19 ay hindi pahihintulutang makapag-trabaho at ang sinumang hindi susunod sa batas ay mumultahan mula €600,00 hanggang €1500,00.
Hanggang February 28, libreng Covid19 test sa mga estudyante
Hanggang sa katapusan ng buwan ng Pebrero ay libre ang Covid19 tests sa mga mag-aaral ng scuola Media at Superiore na sasailalim sa quarantine.
Price control ng FFP2 protective mask hanggang March
Isang agreement sa mga pharmacies at authorized retailers ang pinirmahan ni Emergency Commissioner Francesco Figliuolo ang naglilimita sa halaga ng mga FFP2 protective masks na nagkakahalaga sa publiko ng € 1,00
March 31, pagtatapos ng State of Emergency ng Italya
June 10, magtatapos ang mandatory Covid19 vaccination sa mga over 50s.
(PGA)
Basahin din:
- Bakuna kontra Covid19, mandatory na sa Italya para sa mga over 50s
- Super Green Pass, ang bagong regulasyon para sa taong 2022
- Quarantine at Isolation, ang bagong regulasyon
- FFP2 protective mask, saang lugar at hanggang kailan obligadong gamitin?