Nagpasya ang bagong gobyerno ng bagong regulasyon anti-Covid, mula sa pagsusuot ng mask hanggang sa bakuna. Sa katunayan, ayon kay bagong premier Meloni, hindi aniya niya ipagpapatuloy ang regulasyon ng nakaraang gobyerno at sa mga unang araw ng panunungkulan ay nagpasyang baguhin ang ilang regulasyon sa paglaban sa pandemya.
Mula Mask hanggang Bakuna, narito ang mga pagbabago
Mask – Sa bagong ordinansa ni Health Minister Orazio Schillaci ay nasasaad ang pagpapalawig sa obligasyong paggamit ng protective mask sa mga ospital at RSA.
Samantala, ang paggamit ng mask sa iba’t ibang work place ay tatalakayin bukas, Nov 4.
Health workers at vaccination – Inaprubahan ng bagong gobyerno ang isang panukala para sa pagtatapos ng mandatory vaccination para sa mga health workers mula December 31, 2022 sa November 1, 2022. Samakatiwd, simula November 2, ang mga hindi nabakunahang health workers ay makakabalik na sa serbisyo. Ito umano ay magpapahintulot sa pagbabalik serbisyo ng halos 4,000 health workers, ayon kay Giorgia Meloni.
BULLETIN – Napagpasya din ang gobyerno ng Meloni na baguhin ang komunikasyon ng Covid bulletin. Kung sa ngayon ito ay araw-araw, ito ay magiging lingguhan na, at ang paglabas ng komunikasyon ay tuwing Biyernes.
Green Pass – Wala pang desisyon ang bagong gobyerno ukol sa Green pass. Itinakda ng nakaraang gobyerno ang pagiging mandatory nito sa lahat ng mga bibisita sa mga health facilities hanggang December 31, 2022.
Home Isolation – Ukol sa home isolation na kasalukuyang 5 araw para sa mga positibo, ayon kay Minister Schillaci ay pinag-aaralan nila sa kasalukuyan. Aniya ay nagkaroon na sila ng mga scientific meeting kasama ang Higher Institute of Health, AIFA at mga eksperto. “Pinag-aaralan namin ang ebolusyon ng epidemya at ang bawat desisyon ay gagawin para sa interes ng mga pasyente”. Samakatwid, ang ipinatutupad na bilang ng araw ng home isolation para sa mga positibo sa Covid ay 5 araw. (PGA)