in

Mula Ministry of Interior, ang bagong form ng Autocertificazione

Simula March 17 ay mayroong bagong form ng Autocertificazione mula sa Ministry of Interior. Narito ang pagbabago. 

Ang Viminale ay nagbigay ng bagong direktiba ukol sa sirkulasyon o paglabas ng bahay. Bukod sa mga dahilang pinahihintulutan na ay nagpalabas ng bagong form ng autocertificazione upang ipagbawal ang paglabas ng mga taong nasa ilalim ng quarantine, tulad ng mga nangyari sa nakaraang araw sa kabila ng mahigpit na pagbabawal. 

Samakatwid, may karagdagan sa form ng autocertificazione batay sa nasasaad sa artikulo 1, talata 1, letra c ng D.P.C.M. March 8, 2020, na mahigpit na pinagbabawalang lumabas ng sariling tahanan ang mga taong sumasailalim sa quarantine dahil positibo sa covid19.

(art. 1, comma 1, lett. c) del D.P.C.M. 8 marzo 2020 che reca un divieto assoluto di mobilità dalla propria abitazione o dimora per i soggetti sottoposti alla misura della quarantena ovvero risultati positivi al virus “COVID-19)

Sila ay ang mga mamamayan na nasa ilalim ng quarantine o self isolation at pinagbabawalang lumabas ng sariling tahanan dahil positibo sa coronavirus ngunit wala o halos walang sintomas o asymptomatic. 

Nasasad din sa bagong form na ang awtoridad ng pulisya ay kailangang i-countersign ang autocertificazione. Ito ay bilang patunay na ang autocertificazione ay ginawa sa kanyang harapan matapos kilalanin ang mamamayan. Sa paraang ito, ay pinahihintulutan ang mamamayan na hindi ilakip ang kopya ng kanyang balidong dokumento sa autocertificazione. 

Paalala: Walang anumang pagbabago kung paano ito sasagutan. (PGA)

I-click lamang para sa bagong form ng autocertificazione.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Panawagan ng mga Ofw mula Italya sa Pilipinas: ‘Sumunod sa tagubiling ibinibigay ng gobyerno’

Bonus, Voucher at Tulong sa Pamilya, ang nilalaman ng Decreto Cura Italia